Winamp Logo
Think About It by Ted Failon Cover
Think About It by Ted Failon Profile

Think About It by Ted Failon

Tagalog, News, 1 season, 149 episodes, 1 day, 11 hours, 35 minutes
About
Sawa ka na ba sa mga mema at hirit na pa-cute lang? Kung ganoon, dito ka na sa mainit at makabuluhang pagtalakay ng mahahalagang isyu sa bansa kasama ang lodi nating si Ted Failon! Pakikinggan at hihimayin niyang mabuti ang pananaw ng magkabilang panig para mas malinawan ang taumbayan. Kaya guys, kinig na! Manong Ted is in the house!
Episode Artwork

‘Bagong Pilipinas, Daw?’ (Aired January 30, 2024)

"Bagong Pilipinas", ito ang pinangangalandakang tatak daw ng pamamahala at liderato ng kasalukuyang administrasyon na humihikayat sa pagbabago ng lahat ng sektor ng lipunan at pamahalaan para sa ikauunlad daw ng bayan. Pagbabago bang maituturing kung tuloy pa rin ang hakot system? At talamak ang kotongan at pagwawaldas sa pera ng bayan? Pagbabago bang matatawag ang pagpilit at panlilinlang sa mga Pilipino? Ang pagbabago ay dapat magsisimula sa gobyerno. At walang magiging pagbabago sa Pilipinas hanggang naghahari ang mga opisyal na sobrang takaw sa pera at labis ang kasakiman sa kapangyarihan. Think about it.
1/30/202415 minutes, 31 seconds
Episode Artwork

THINK ABOUT IT by TED FAILON ‘Laging Pera’ (Aired January 23, 2024)

Anim na taon mula nang maisabatas ang Rice Tariffication Law, tinatayang aabot na sa higit 50 bilyong piso ang dapat na pondo ng Rice Competitiveness Enhance ment Fund (RCEF) na para sa mga pangangailangan ng mga magsasaka. Habang sa ilalim ng General Appropriations Act, bilyon-bilyong piso rin ang inilaan para sa iba't-ibang proyekto ng Department of Agriculture.  Sa kabila nito, wala raw pera ang gobyerno para sa tulong pinansyal ng mga naluluging magbubukid. Laging katwiran ang kakapusan sa pera sa mabagal na pag-unlad ng ating agrikultura. Pondo ba talaga ang problema o tamang paggasta ng pera ng bayan at pagtupad sa mandato ng pamahalaan na tulungan ang ating mga magsasaka? Think about it.
1/23/202415 minutes, 34 seconds
Episode Artwork

‘People’s Initiative’? (Aired January 16, 2024)

Usap-usapan ang ipinapakalat ngayong papel na pinapipirmahan sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas na ang layunin ay baguhin ang isang probisyon sa ating saligang batas sa pamamagitan ng tinatawag na people's initiative. Talamak ang panlilinlang sa nga botanteng Pilipino para pumirma sa petisyon, na gumagamit pa sa mga programa ng gobyerno kagaya ng Tupad at 4Ps.Kapag nagkataon,  kaya mo bang ipagkatiwala sa kapangyarihan lamang ng mga miyembro ng kamara de representante ang gusto nilang gawin na pagbabago sa ating konstitusyon? Ikaw na Pilipinong araw-araw ay napapagod sa kakatrabaho, at sa pagpapagal na ito ay nag-aambag sa kaban ng bayan na pinagkukunan ng perang ginagasta para patakbuhin ang Kongreso. Ikaw na Pilipinong nagtitiis sa hirap subalit nananatiling ang galaw ay patas. Hahayaan mo bang mangyari ito? Think about it. For more latest stories, visit us at www.news5.com.ph
1/16/202419 minutes, 44 seconds
Episode Artwork

#AlamNaThis (Aired January 9, 2024)

Kung ang iba't-ibang departamento at opisina ng gobyerno ay halos magmakaawa na dagdagan ang kanilang pondo para sa taong 2024, ang DPWH ang pinagpala sa lahat sapagkat kahit sila ang pangalawa sa may pinakamalaking budget, dinagdagan pa sila ng daan-daang bilyong pisong pondo. Binusog ang DPWH subalit binawasan ng subisidiya ng gobyerno ang ibang ahensya na inaasahan ng mga nangangailangan. Bilyun-bilyong pisong dagdag para sa DPWH na itinuturing na isa sa mga pinakakorap na ahensya ng pamahalaan, DPWH na ayon pa rin sa pinakahuling annual audit report ng COA ay mayroon lamang 64.13% disbursement capacity noong 2022. Think about it.
1/9/202413 minutes, 4 seconds
Episode Artwork

‘Malinaw na Hilaw’ (Aired December 12, 2023)

Matapos ang ilang beses na pag-urong ng implementasyon ng public utility vehicle modernization program, tuloy na tuloy na raw ang pagpapatupad ng programa. Oobligahin ng gobyerno ang mga jeepney at UV express driver at operators ng mga lumang pampublikong  sasakyan na sumunod sa patakaran hanggang katapusan ng taon. Subalit ang pamahalaan mismo ang hindi tumupad sa kanilang importanteng tungkulin na gawin ang route rationalization plan at public transport route planning na siyang  mga pangunahing bahagi ng PUV modernization. 19 days to go bago mag December 31 deadline, napag-aralan bang mabuti ni Secretary Jaime Bautista at ng  DOTr-LTFRB ang laki ng problemang lilikhain nila? Pati na ang parusang dadanasin ng mga mananakay at sakit ng ulo na ibibigay ng administrasyong Marcos? Think about it.
12/12/202315 minutes, 53 seconds
Episode Artwork

‘Mamuhay ng Buong Kapakumbabaan’ (Aired November 28, 2023)

Naging matindi ang puna ng publiko sa abusong ginagawa ng mga motorista- pribado man o taga-gobyerno, sa pagdaan sa Edsa busway upang makaiwas sa matinding trapiko. Mula sa usaping ito ay lumutang ang pagbibigay ng pribilehiyo sa mga taong gobyerno na gumagamit ng protocol plates na maituturing namang kabiguan ng otoridad sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin. Saan ba nagmula ang paglalaan ng mga low-numbered o protocol plates na ito para sa mga opisyal at tauhan ng gobyerno? Hindi ba't ang ating mga lingkod bayan ang dapat na maging ehemplo sa mga ordinaryong mamamayan, kasama na ang pagsunod sa batas trapiko? Think about.
11/28/202316 minutes, 56 seconds
Episode Artwork

‘Huwag Kang Paku-corrupt’ (Aired November 14, 2023)

Ang panukalang budget para sa confidential at intelligence funds para sa taong 2024 ay umaabot sa sampung bilyong piso. Sa halagang ito, maraming kapakipakinabang na proyekto na ang magagawa para sa mga Pilipino, kaysa abusuhin lamang ang pondo ng mga kurap na opisyal sa gobyerno. Kaya isang grupo ng concerned citizens ang nagsama-sama para manawagan at kumilos para sa tuluyang pag-aalis ng confidential funds sa pambansang budget at labanan ang korapsyon sa pamahalaan. Subalit, magiging mahirap ang laban na ito, lalo na kung ang karamihan sa mga Pilipino ay patuloy na magiging mangmang sa pagpili ng mga inihahalal na kandidato na kakatawan sa atin sa dalawang kapulungan ng kongreso. Think about it.
11/14/202313 minutes, 46 seconds
Episode Artwork

‘Tuwang-Tuwa sa Pagbabalatkayo’ (Aired October 31, 2023)

Sa kabiguan ng pamahalaan na mabigyan ng oportunidad ang mga manggagawang Pilipino na magtrabaho at kumita nang marangal sa sariling bayan, maraming Pilipino ang tinitiis malayo sa pamilya upang magtrabaho abroad. Kapalit ng maliit na halaga, may mga OFW na itinataya ang kanilang kaligtasan at nananatili sa mga bansang talamak ang pang-aabuso para kumita at makapagpadala sa pamilya. Sa gitna ng humahabang listahan ng OFWs na sinasawing-palad sa pagtatrabaho sa abroad, ipinagmamalaki pa ng gobyerno ang dagdag na bilang ng mga OFW na ipinapadala ng Pilipinas sa abroad, lalo na sa mga bansang may ipinatutupad na Kafala system.  Think about it. For more latest stories, visit us at www.news5.com.ph
10/31/202312 minutes, 43 seconds
Episode Artwork

‘Bakit Nangyayari Ito?’ (Aired October 17, 2023)

Sinasabi ng DBM na napakasinsin ng paghahanda at pagbuo ng mga panukalang pambansang budget. Subalit bakit nakalusot at patuloy na nakalulusot sa pambansang budget ang mga doble, triple, at maging apat at limang beses na alokasyon para sa iisang proyekto sa ilalim ng DPWH?May iba't-ibang halaga ng alokasyon sa iisang proyekto ng DPWH, habang ang pondong para sana sa kalusugan at edukasyon ng mga Pilipino ay lubos na tinatapyasan. Bakit nga ba ito nangyayari sa atin? Think about it.
10/17/202315 minutes, 50 seconds
Episode Artwork

‘Drama ng Mafia?’ (Aired September 26, 2023)

Kapuna-puna na sa mga press release ng gobyerno tungkol sa mga nasasamsam nilang smuggled agricultural products, wala ni minsan silang nabanggit na pangalan ng  smugglers. At sa lahat ng sinalakay nilang bodega na pinag-iimbakan umano ng mga produktong pang-agrikultura, kahit kailan ay hindi nila naibalita kung sino ang hoarder. Palaging ipinangangalandakan ng pamahalaan ang kanilang mga operasyon kaugnay ng smuggling at hoarding na sinasabing ang nasa likod pa nga raw ay mafia, pero bakit kahit kailan ay hindi nila pinangalanan ang mga mafia na ito at tusong negosyante na malinaw na lumalabag sa batas ng Anti-Agriculutural Smuggling Act? Think about it.
9/26/20239 minutes, 53 seconds
Episode Artwork

‘May Chance Pa?’ (Aired September 21, 2023)

Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas ang unang dahilan ng food inflation o pagtaas ng presyo ng pagkain. Upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng butil na pangunahing pagkain ng Pinoy, naglabas ng Executive Order 39 ang Pangulo para magtakda ng price cap at inutusan ang National Food Authority na bilhin ang palay ng mga magsasaka sa presyong hindi sila malulugi. Patuloy kasing umaasa ang mga Pilipino sa pangako ni Pangulong Marcos Jr. na makabibili sila ng bente pesos kada kilong bigas sa palengke, kaya nagkukumahog ang gobyerno na kontrolin ang presyo nito. Pwede ba talagang maging bente pesos per kilo ang bigas? Think about.
9/21/202314 minutes, 56 seconds
Episode Artwork

‘Pagkukubli sa Aninaw’ (Aired September 14, 2023)

Para sa transparency o aninaw kung paano pinapangasiwaan at ginagasta ng gobyerno ang pera ng bayan, kaya isinasama sa probisyon ng pambansang budget ang pagsasapubliko ng Commission on Audit ng kanilang annual audit report kung paano ginugol ang pondo ng mga ahensya ng pamahalaan. Subalit nakakadismaya na ang probisyong ito na isa sa mga sandata laban sa korapsyon ay gustong alisin ng Ombudsman. Ombudsman na tinaguriang tanodbayan na ang pangunahing misyon ay panagutin ang corrupt na lingkodbayan at sugpuin ang korapsyon at katiwalian sa pamahalaan. Think about it.
9/15/202314 minutes, 21 seconds
Episode Artwork

‘Executive Disorder’ (Aired September 7, 2023)

Bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas na ang dahilan ayon sa Pangulo ay ang di masawata na smuggling at hoarding, naglabas ang Pangulo ng Executive Order 39 na nagmamandato sa hangganan ng presyo ng bigas sa merkado. Sa unang tingin ay pabor ito sa kapakanan ng mamimili, subalit ito ay pinangangambahang magbubunga ng  pagkalugi sa mga nagtitinda ng bigas, pagbaba ng presyo ng palay na ikalulugi rin ng mga magsasaka, at kalaunan ay magiging sanhi ng rice shortage. Ito ang mga posibleng resulta ng pagpapatupad ng isang polisiyang hindi pinag-aralang mabuti at maaaring ginagawa lamang pamatay-sunog sa umiinit na panunumbat ng mga mamamayan sa naging pangako noon ng Pangulo na ibababa niya ang presyo ng bigas sa dalawampung piso kada kilo. Think about it.
9/7/202317 minutes, 26 seconds
Episode Artwork

‘Inordinate Delay’ (Aired August 31, 2023)

Ang kontrobersyal na PS-DBM Pharmally Deal at ang DepEd outdated and overpriced laptop procurement, ay ang dalawang bagong kontrobersyal na kaso na iniimbestigahan ngayon ng Ombudsman. Pero sa ating pananaliksik, maraming kaso ng katiwalian sa gobyerno ang inaabot ng napakaraming taon bago mailabas ang desisyon. May ibang kaso pa nga na nadidismiss sa Sandiganbayan dahil sa sinasabing inordinate delay. Paano matatapos ang korapsyon sa ating bayan kung sukdulan nang bagal ng takbo ng hustisya sa mga kaso ng katiwalian na kinasasangkutan ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan? Kailan naman kaya matatapos ang kaso ng PS-DBM Pharmally deal at kaso ng outdated at overpriced na laptops ng Deped? Panibagong kaso ba ito ng inordinate delay?  Think about it. For more latest stories, visit us at www.news5.com.ph
8/31/202315 minutes, 44 seconds
Episode Artwork

‘Kaibigang Manlulupig’ (Aired August 24, 2023)

Hindi matatapos ang sigalot at tensyon sa West Philippine Sea at South China Sea hanggat hindi kinikilala ng China ang ating panalo sa Arbitral Tribunal noong 2016. Patuloy na inaangkin ng China ang mga isla at karagatan sa West Philippine Sea na malinaw na nasa atin ang sovereign rights.  Malaki ang interes ng China sa mga isla at karagatan dito dahil sa usaping pang-ekonomiya, militar at depensa, langis at natural gas, at pagkain. Kaya  kahit ilan daan pang diplomatic protests ang gawin ng Pilipinas sa kanilang mga ilegal na aktibidad sa West Philippine Sea, at pagprotesta laban sa panghaharass nila sa ating mga mangingisda at Philippine Coast Guard, tingin niyo ba ay bibitiw ang China sa kanilang interes sa ating mga karagatan? Think about it.
8/24/202316 minutes, 4 seconds
Episode Artwork

‘Baha...ng Pera at Masterplan’ (Aired August 8, 2023)

Nagkakaroon na naman ng imbestigasyon ang dalawang kapulungan ng kongreso tungkol sa nangyayaring pagbaha sa Central Luzon at sa Metro Manila dahil sa mga dumaang bagyo. Maingay din ngayon ang iba't-ibang opisyal ng mga lokal na pamahalaan na apektado ng baha at humihingi ng master plan sa flood control. Sa totoo lang, baha na tayo sa plano. Noon pa man ay may iba't-ibang plano nang inaprubahan ang pamahalaan subalit hindi naman ipinatutupad ng tama. Kung susumahin aabot na sa trilyong piso ang halaga ng perang inilaan ng gobyerno para sa mga proyektong tutugon umano sa problema ng baha. Plano ba talaga ang kulang sa bansang ito, o political will, transparency at accountability sa mga flood control projects na ito? Think about it.
8/10/202313 minutes, 25 seconds
Episode Artwork

‘Baha...ng Pera at Masterplan’ (Aired August 8, 2023)

Nagkakaroon na naman ng imbestigasyon ang dalawang kapulungan ng kongreso tungkol sa nangyayaring pagbaha sa Central Luzon at sa Metro Manila dahil sa mga dumaang bagyo. Maingay din ngayon ang iba't-ibang opisyal ng mga lokal na pamahalaan na apektado ng baha at humihingi ng master plan sa flood control. Sa totoo lang, baha na tayo sa plano. Noon pa man ay may iba't-ibang plano nang inaprubahan ang pamahalaan subalit hindi naman ipinatutupad ng tama. Kung susumahin aabot na sa trilyong piso ang halaga ng perang inilaan ng gobyerno para sa mga proyektong tutugon umano sa problema ng baha. Plano ba talaga ang kulang sa bansang ito, o political will, transparency at accountability sa mga flood control projects na ito? Think about it.
8/8/202313 minutes, 10 seconds
Episode Artwork

‘Bawasan Lang ang Takaw’ (Aired August 1, 2023)

Sa tuwing sinasabing nagkukulang ng pera ang pamahalaan, maliban sa pag-utang, madalas ay dagdag na buwis agad ang naiisip ng gobyerno. Hindi pa nga natin mawari kung paano ginagasta ang nakokolektang Motor Vehicle User's Charge o MVUC, gusto na ng ilang kongresista at ni Pangulong Marcos Jr. na magpataw ng dagdag na Road User's Tax sa mga irerehistrong sasakyan sa LTO. Ang panukala, inaprubahan agad ng House Committee on Ways and Means. Bakit nga ba na sa tuwing kinakapos ng pondo ang gobyerno, laging mamamayang Pilipino ang pinapapasan ng dagdag bigat na buwis? Buti nga sana kung nagagasta nang tama ang nakokolektang buwis at walang mga kaso at iskandalo kaugnay ng pagwawaldas at pagnanakaw sa pera ng bayan. Think about it.
8/1/202314 minutes, 35 seconds
Episode Artwork

Sawa na sa SONA?’ (Aired July 25, 2023)

Mula nang maipatupad ang 1987 Constitution, natunghayan na ng mga Pilipino ang tatlumpu't pitong State of the Nation Address o SONA, ng mga nagdaang Presidente at kasalukuyang Pangulo. Kapansin-pansin na sa nagdaang higit tatlong dekada, paulit-ulit lamang ang mga isyung pang bayan at problema sa gobyerno na nababanggit sa SONA ng mga nauupong Pinuno ng bansa. At kung ano ang narinig ng mga Pilipino sa loob ng tatlumpu't anim na taon, ay halos siya ring narinig sa katatapos na SONA ng Pangulong Marcos Jr. Hindi natin masisisi ang mga kapwa Pilipino kung sila man ay makaramdam ng sawa sa SONA. Ang SONA ay mga salita na walang bisa kung hindi natutumbasan ng gawa. Think about it.
7/26/202312 minutes, 14 seconds
Episode Artwork

‘Love the Philippines?’ (Aired July 4, 2023)

Kamakailan lamang ay inilunsad ng Philippine Department of Tourism ang bagong slogan na Love the Philippines. Pero hindi pa man nakakabwelo ang bagong slogan, nauna nang kumalat sa ibang panig ng mundo ang balitang paggamit ng DOT ng mga imahe galing sa ibang bansa para sa promotional video ng turismo ng Pilipinas. Bukod sa mga ulat ng perwisyo sa paliparan kung saan kilala rin ang Pilipinas, ang kontrobersya ay nagdulot ng dagdag kahihiyan sa ating bansa.Love the Philippines - obligado pa rin tayong mga Pilipino na suportahan ang kampanyang ito. Subalit, mapapaganda ba ng anumang slogan ang imahe ng Pilipinas?  Think about it.
7/4/202313 minutes, 19 seconds
Episode Artwork

‘Wanted: Unlicensed Nurses’ (Aired June 20, 2023)

Pinaplano ng Acting Secretary ng DOH na punuan ang 4,500 na bakanteng posisyon para sa lisensyadong nurses sa Kagawaran ng Kalusugan sa pamamagitan ng pagkuha ng nursing graduates na may diploma at maging ng mga hindi pa nakapasa sa board exam. Tinututulan ito ng grupo ng mga nurse sa Pilipinas dahil sa mga panganib na kaakibat nito. May mga kwalipikado namang nurses na nananatili ngayon sa bansa kahit mababa ang sweldo, ayon mismo sa Filipino Nurses United. Bakit hindi muna ang mga registered nurse na nagtatrabaho ngayon sa bansa na mga kontraktwal at kumikita lamang ng minimum wage ang kunin ng DOH? Ang kakulangan ng nurses sa DOH ay hindi masosolusyunan sa pagkuha ng mga taong hindi naman nurse, kundi pag-aangat sa sweldo ng mga nurse. Kaya ba itong ibigay ng gobyerno at ng mga pribadong ospital? Think about it.
6/20/202312 minutes, 4 seconds
Episode Artwork

‘MIF: Paki-explain Please’ (June 8, 2023)

Kinukwestyon sa Senado ang pagpasa sa Maharlika Investment Fund kahit wala itong test of economic viability na nasasaad sa ating Saligang Batas. Kailangan ito upang maiwasan na mabangkarote ang itinatatag na mga korporasyon na pag-aari ng gobyerno. Hindi naging malinaw sa panukala kung paano babawiin ng Maharlika Investment Fund ang ilalaan nitong puhunan umano sa pagtatayo ng mga kalsada at mga imprastaktura. Paano ba maiintindihan ng pangkaraniwang mamamayan  kung saang paraan gaganansya ang Maharlika Investment Fund kung mismong mga Senador ay hindi maipaliwanag kung paano ito kikita? Sigaw tuloy ng maraming Pilipino matapos itong makalusot sa Kongreso at Senado... MIF: Paki-explain please!Think about it.
6/8/202315 minutes, 47 seconds
Episode Artwork

‘MIF: Benepisyo o Perwisyo?’ (Aired May 30, 2023)

Patuloy ang pangangalandakan ng mga nagsusulong ng panukalang Maharlika Investment Fund tungkol sa mga benepisyong maibibigay nito sa bayan. Sinertipikahan pa ngang 'urgent' ng Pangulo ang panukala. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin tayong naririnig na detalyadong paliwanag kung paano nga ba ito kikita at makakatulong sa pagpalaunlad ng bayan? Sa kabila ng mga pagtutol sa Maharlika Investment Fund, bakit minamadali ang pagpapasa nito?MIF: Benepisyo o Perwisyo? Think about it.
5/30/202318 minutes, 34 seconds
Episode Artwork

Suggested retail price para sa sibuyas (Aired May 23, 2023)

Nagtakda ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price para sa pula at puting sibuyas, at nagbanta laban sa mga nagtitinda na hindi susunod sa SRP. Sa kabila ng mga inilantad ng House Committee on Agriculture and Food na matitibay na ebidensya laban sa kartel ng sibuyas, tanging pagtatakda ng SRP ang magagawa ng DA? At sa halip na mapagsamantalang traders at wholosalers ng sibuyas ang kanilang tugisin, bakit mga nagtitinda na naman ang pinagbabantaan ng pagpapatupad nila ng SRP na may kaakibat daw na kaparusahan. Think about it. 
5/23/202314 minutes, 7 seconds
Episode Artwork

‘Butas sa Batas’ (Aired May 9, 2023)

Inihahanda na ng Sugar Regulatory Administration ang distribusyon ng sinasabing smuggled na 4,000 metric tons na puting asukal na ibebenta sa Kadiwa stores nationwide. Ibebenta na ang smuggled sugar, eh kumusta naman ang smugglers? Ngayon, nakatuon ang atensyon ng ilang mambabatas sa pag-amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act. Bakit, sa batas ba ang problema o sa nagpapatupad ng batas? Kahit na amyendahan ang Anti-Agricultural Smuggling Act o R.A. 10845, Bureau of Customs pa rin ang pangunahing ahensya na magpapatupad nito... Think about it.
5/9/202311 minutes, 7 seconds
Episode Artwork

‘Turuan sa Gobyerno’ (Aired May 2, 2023)

Inanunsyo ng LTO ang extension ng validity ng mga Driver's License ng mga Pilipino hanggang Oktubre trenta'y uno ngayong taon dahil nagkaubusan daw ng plastic cards. Nag-aabiso na rin ang hepe ng LTO na kakapusin din ang supply ng mga plaka ng motorsiklo at mga sasakyan  ngayon ding taon.  Nagtuturuan ang DOTR at LTO pagdating sa isyu ng malaking backlog sa plaka at kakapusan sa supply ng lisensya at isinisisi nila ang problema sa kakulangan sa pondo at umiiral na panuntunan ng gobyerno. Habang ang mga taong gobyerno ay nagtuturuan, mga Pilipino ang magtitiis kahit ang mga drayber at may-ari ng sasakyan at motorsiklo ay nagbayad na ng karampatang halaga para makakuha ng lisensya at plaka. Think about it.
5/4/202311 minutes, 50 seconds
Episode Artwork

‘The War Within...’ (Aired April 25, 2023)

Matapos ang anim na taong panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte, inamin nya mismo na nabigo siya sa kanyang pangako na masawata ang problema sa ilegal na droga sa bansa. At wala pang isang taon sa pag-upo ang bagong Pangulong Ferdinand Marcos Jr., isinapubliko ng kalihim ng DILG ang ika niya ay malawakang pagtatakip ng mga alagad ng batas sa tinaguriang pinakamalaking drug bust sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang problema sa droga noon ay napakalaking problema pa rin ngayon. At ang gera kontra ilegal na droga ay hindi matutuldukan kung hindi mapupurga ang hanay ng gobyerno sa mga tiwaling tauhan nito na siyang  kasangkapan ng totoong drug lords. Think about it.
4/25/202312 minutes, 39 seconds
Episode Artwork

‘Walang Cover-up?’ (Aired April 18, 2023)

Oktubre 2022, ibinida ng DILG at PNP ang tinaguriang pinakamalaking drug bust sa kasaysayan ng bansa kung saan nakasabat ang PNP ng halos isang toneladang shabu na aabot sa halagang 6.7 bilyong piso. Pero makalipas lamang ang anim na buwan, ang accomplishment ng gobyerno ay napalitan ng eskandalo matapos ibulgar ni DILG Secretary Benhur Abalos ang umano'y malawakang pagtatakip ng pambansang pulisya sa pagkakadawit ng isang pulis sa nasabat na ilegal na droga noong nakaraang taon. Sa pag-iimbestiga ng DILG,  lumalabas na ang salaysay ng PNP sa pag-aanunsyo ng pinakamalaking drug bust noong 2022 ay salungat sa mga pangyayari na kuha ng CCTV, na kinokontra naman ngayon ng mismong hepe ng PNP. Saan hahantong ang sinasabing "massive attempt to cover-up" sa tinaguriang pinakamalaking anti-drug operation sa kasaysayan ng Pilipinas?  Nasaan na nga pala, at ano na ang nangyari sa kaso ni Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. na siyang pulis na sangkot sa P6.7billion drug bust na ito? Think about it.
4/18/202317 minutes, 13 seconds
Episode Artwork

‘Ang Pangarap Niyo...’ (Aired March 23, 2023)

Inaabangan ng marami nating kababayan ang bente pesos kada kilo ng bigas na ipinangako ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. noong panahon ng kampanya. Pero para sa isang grupo ng mga magsasaka, ang pangakong ito ay maisasakatuparan lamang kung mapapababa ang production cost ng pagsasaka ng palay. Paano naman kasi makapagbebenta ang isang negosyante ng bente pesos per kilo ng bigas, kung ang farm gate price ng palay ay higit dalawampung piso na? Pagbibigay ng subsidiya ang posibleng sagot para makabili ang mahihirap na pamilyang Pilipino ng murang bigas, pero may pagkukunan ba ang gobyerno ng bilyon-bilyong pisong pondo para sa subsidiya? Think about it.
3/23/202310 minutes, 12 seconds
Episode Artwork

‘Sulit Nga Ba?’ (Aired March 14, 2023)

Umabot na sa 13.7 trilyong piso ang pambansang utang ng Pilipinas. Sa kabila ng laki ng ating utang, binabalak ng Kamara de Representante na gumasta ng siyam na bilyong piso para sa pag-aamyenda ng ating saligang batas sa pamamagitan ng Constitutional Convention o Con-Con. Sulit naman daw ang gagastusin ng taong bayan para rito dahil ang Con-Con ang susi sa mas maunlad na ekonomiya ng bansa. Pero saan naman natin kukunin ang siyam na bilyong piso kung ang ating gobyerno ay naghahagilap pa ngayon ng  pagkukunan ng pera para sa isang libong pisong ayuda na ibibigay sa siyam na milyong mahihirap na pamilyang Pilipino? Think about it.
3/14/202315 minutes, 25 seconds
Episode Artwork

‘Programang Hinog sa Pilit’ (Aired March 7, 2023)

Isinusulong ang PUV Modernization Program upang mapalitan ang mga luma at tradisyunal na pampublikong sasakyan para sa ikagiginhawa ng pagbiyahe ng mga mananakay. Subalit sa isang pag-aaral ng isang retiradong Propesor sa UP, lumalabas na may ilang importanteng bagay na hindi nabigyan ng pansin sa pagpapatupad ng programa, kagaya ng presyo, kalidad at dami ng kakailanganing modernized PUVS. At hanggang ngayon ay hindi malinaw kahit ang Route Rationalization Plan ng LTFRB. Pinag-isipan ba talaga ng pamahalaan ang pagpapatupad ng PUV Modernization Program o implement now, plan later na naman ang balak mangyari ng gobyerno? Think about it.
3/7/202316 minutes, 59 seconds
Episode Artwork

‘Sounds Familiar? Gets Mo! (Aired February 28, 2023)

Pagkatapos ng kontrobersyal na Sugar Oder No. 4 na inilabas ng SRA noong Agosto ng nakaraang taon, mayroon na naman ngayong Sugar Oder No. 6 na nais paimbestigahan sa Senado at Kongreso. Bago pa man kasi dumaan sa legal na proseso ang Sugar Order No. 6, may dumating nang imported na asukal sa pantalan at tanging Undersecretary ng DA ang nagpasya kung sinong importers ang  mabibigyan ng alokasyon  sa pag-aangkat ng asukal. Pero katulad ng Sugar Order No. 4, hahayaan lang kaya nilang umusad ang imbestigasyon, at sa bandang huli ay iabswelto muli ng tanggapan ng Pangulo ang opisyal na umano'y lumabag sa proseso at tawagin muli ang pangyayari bilang "miscommunication"? Think about it.
2/28/202313 minutes, 36 seconds
Episode Artwork

‘Sampol...Sampol?’ (Aired February 21, 2023)

Taong 2013 nang mag-umpisa na ang imbestigasyon ng Kamara de Representante tungkol sa cartel at ilegal na pag-iimbak o hoarding ng mga produktong agrikultural, partikular sa bawang. Ang modus sa bawang noon ay siya ring modus operandi sa sibuyas ngayon na dahilan ng pagtaas ng presyo ng sibuyas. Subalit sampung taon na ang nakakaraan, hanggang ngayon ay wala pa ring nasasampolan ang gobyerno. Sa dami ng kinasuhan, bakit hanggang ngayon ay wala pa ring sindikatong napaparusahan? Kasi, may mga taong gobyerno na sangkot sa sindikato? Think about it.
2/21/202315 minutes, 54 seconds
Episode Artwork

‘MIF: Ano Ba Talaga?’ (Aired February 7, 2023)

Ipinapangako ng mga mambabatas na nagsusulong ng Maharlika Investment Fund ang investment return na magbibigay ng mas maraming proyektong pang-imprastraktura sa Pilipinas. Pero hanggang sa ngayon ay hindi nila maipaliwanag kung sa paanong paraan kikita ang perang puhunan na magmumula sa Landbank, Development Bank of the Philippines, Bangko Sentral ng Pilipinas at PAGCOR. Ayon sa isang financial expert, ang anumang investment ay walang garantiyang kikita. Nakakalimutan ba ng ating mga mambabatas ang kasabihang, if it's too good to be true, it ain't true? Think about it.
2/7/202310 minutes, 17 seconds
Episode Artwork

‘Bottomline: Political Will’ (Aired February 2, 2023)

Sa dinami-dami ng smuggled na produktong agrikultural na nasasabat ng Bureau of Customs, at pagkakaroon ng batas na Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016, nakapagtataka na wala pa ring smuggler na nakakulong hanggang ngayon. Malinaw man ang probisyon ng batas kontra-smuggling, nais pa rin ng ilang Senador na palakasin pa raw ito sa pamamagitan ng pag-aamyenda ng umiiral na batas. Batas ba talaga ang problema o ang mga opisyal na dapat magpatupad ng batas? Magpasa man tayo ng bagong batas o magpalit ng implementing agency, ngunit kung walang political will ang mga pinuno ng gobyerno para ipatupad ang batas, ay magpapatuloy ang talamak na smuggling at mga kartel sa bansa. Think about it.
2/2/202311 minutes, 18 seconds
Episode Artwork

‘Underacting Secretary?’ (Aired January 24, 2023)

Sa pag-upo bilang Pangulo ng Pilipinas ni Bongbong Marcos Jr., sinabi niya na gagawin niyang agriculture hub ang Pilipinas, at para matutukan ang sektor ng agrikultura, siya mismo ang magsisilbi bilang Acting Secretary ng Department of Agriculture. Subalit sa loob ng pitong buwan ng pag-aktong Kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura ni Pangulong Marcos Jr., nanatili ang problema ng ASF sa mga baboy at bird flu sa mga manok, tumaas din ang presyo ng asukal, sibuyas, itlog, at susundan pa raw ng pagtaas naman ng presyo ng bigas, ayon sa isang agricultural group, dahil sa kakulangan ng produksyon. Sa pabigat na pabigat na suliraning pang-agrikultural ng bansa, natututukan ba talaga ng Acting Secretary ng DA ang kanyang tungkulin, o panahon na para magtalaga ng permanenteng kalihim sa kagawaran? Think about it.
1/24/202311 minutes, 34 seconds
Episode Artwork

‘Sugar, Bakit Ka Mahal?’ (Aired January 19, 2023)

Kasabay ng panahon ng production at milling ng local sugar producers sa bansa, ay ang pagdating ng tone-toneladang imported na asukal. Pero nakapagtataka na sa Bantay Presyo ng DA, umaabot pa rin sa humigit isandaang piso ang kada kilo ng asukal sa palengke at supermarkets. Ayon sa ating local sugar producers mababa ang millgate price dahil sa dami ng supply, pero wala umanong ideya ang grupo ng supermarket owners kung bakit nananatiling mataas ang presyo ng asukal na dumarating sa kanila. Tuloy-tuloy ang importasyon ng asukal, panahon ng lokal na produksyon nito ngayon... Sugar, sugar, bakit ka pagkamahal? Think about it.
1/19/202311 minutes
Episode Artwork

‘Syndicated Onion’ (Aired January 17, 2023)

Ang Pilipinas ay hindi self-sufficient sa sibuyas kaya ang Kagawaran ng Agrikultura ay nakasandal pa rin sa importasyon para punan ang pangangailangan ng bansa. Pero kung importasyon ang solusyon sa kakulangan, bakit pumalo sa walong daang piso ang presyo ng bawat kilo ng sibuyas sa palengke sa gitna ng sinasabing pagdagsa ng imported na sibuyas? Pagtataksil naman sa hanay ng lokal na magsasaka ang turing ng isang grupo ng onion farmers sa desisyon ng gobyerno na magparating ng karagdagang 21 milyong kilo ng sibuyas kung kailan panahon na ng anihan. Kasabay naman ng anunsyo ng pamahalaan tungkol sa pag-aangkat ng sibuyas ay ang unti-unting pagbaba ng presyo nito at paglabas ng stock ng sibuyas mula sa mga cold storage. Ito ba ay pagpapatotoo na mas organisado ang galaw ng importers at smugglers kaysa sa ating gobyerno? Think about it.
1/17/202311 minutes, 50 seconds
Episode Artwork

‘Tsubibo ng China’ (Aired January 10, 2023)

Mula taong 2016 hanggang 2022, naghain ang Pilipinas ng 388 diplomatic protests laban sa China dahil sa dumaraming reports ng pamamayagpag ng Chinese Coast Guard at Chinese Militia vessels sa ating karagatan, at patuloy na pangha-harass ng mga ito sa mga mangingisdang Pilipino at maging sa Philippine Coast Guard. Ito ay sa kabila ng walong beses na pagkikita ng dating Pangulong Rodrigo Duterte at President Xi Jin Ping ng China, para pag-usapan ang tungkol sa West Philippine Sea. At sa pag-uwi ng bagong Pangulong Marcos Jr. mula sa kanyang kauna-unahang state visit sa China, kapansin-pansin na ang bahagi ng nilalaman ng lumabas na Joint Statement of the People’s Republic of China and the Republic of the Philippines tungkol sa South China Sea ay para bang "copy paste" lamang mula sa naging state visit ni dating Pangulong Duterte noong 2016. Ito ba ay palatandaan na naman na tayo  ay muling paiikutin ng China, at hindi pa rin sila mgpapaawat sa kanilang mga aktibidad sa West Philippine Sea na maliwanag na sakop ng ating Exclusive Economic Zone? Think about it.
1/11/20239 minutes, 30 seconds
Episode Artwork

‘Drama sa Sibuyas’ (Aired January 3, 2023)

Makasaysayan at nakakadismaya ang pagsipa ng presyo ng puting sibuyas sa halagang 800 pesos kada kilo, at pulang sibuyas na pumalo na sa 720 pesos. Ang Department of Agriculture ay may Bantay Presyo na nagtatakda ng opisyal na retail price ng mga produktong agrikultural na mabibili sa mga palengke, pero ito ay hindi naman nasusunod. Kinumpirma naman ng grupong SINAG na karamihan sa mga sibuyas na ibinebenta sa mga pamilihan ay mga puslit o smuggled. Patuloy ang problema ng smuggling ng produktong agrikultural partikular ng sibuyas, sa kabila ng pagmamayabang ng Bureau of Customs ng kanilang nasasabat na smuggled agricultural products pero wala namang naaaresto? Natukoy na rin daw ng kongreso ang umano'y "mafia" na nagpapatakbo ng agricultural smuggling, pero wala namang ipinahuhuli? Nagmimistulang drama lang ba ang sinasabing pagtugon ng gobyerno sa pasanin ng bayan sa presyo ng sibuyas? Think about it.
1/4/20238 minutes, 53 seconds
Episode Artwork

‘Damay-damay’ (Aired December 20, 2022)

Pumasa na sa third and final reading sa kongreso ang House Bill 6608 o Maharlika Investment Fund Act matapos bumoto ang 279 na kongresista na pabor sa panukalang batas na certified urgent ng Presidente. Subalit pinalitan man ito ng titulo at inalis man ang SSS at GSIS na isa sa mga pagmumulan ng paunang kapital, isang siyentista at ekonomista na ang nagsasabing ang Maharlika Investment Fund ay "beyond repair".  Gayunpaman, minadali ng kongreso ang pagpapasa ng panukalang batas at napagdesisyunan na ang pagkukunan ng paunang kapital ay sa Bangko Sentral ng Pilipinas, kasama ng Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines. Pinag-aralan bang mabuti ng mga kongresistang nag-apruba ng Maharlika Investment Fund ang implikasyon sa banking system ng Pilipinas sa gagawing panghihimasok sa perang iniingatan ng BSP, LBP at DBP? Paano kung malugi ang Maharlika Investment Fund? Think about it. For more latest stories, visit us at www.news5.com.ph
12/20/202215 minutes, 54 seconds
Episode Artwork

‘Maharlika Wealth Fund’ (Aired December 6, 2022)

Maingay na pinag-uusapan ngayon ang panukala na pagkakaroon ng Pilipinas ng Maharlika Wealth Fund, kung saan ang inisyal na kapital na 275 billion pesos ay magmumula sa mga malalaking government financial institutions gaya ng Landbank of the Philippines, SSS at GSIS, maging sa National Government at Bangko Sentral ng Pilipinas. Maharlika Wealth Fund, kailangan ba ito ng Pilipinas ngayon na ang gobyerno ay nangungutang pa nga para mapunan ang pambansang budget? At mapagkakatiwalaan ba ang Maharlika Wealth Fund kung ito ay patatakbuhin ng tatawaging Maharlika Wealth Fund Corporation na exempted sa GOCC Governance Act, Civil Service Law at Salary Standarzation Act, pati na sa Government Procurement Act, at exempted sa lahat ng uri ng buwis? Maharlika Wealth Fund na nagpapanggap na Sovereign Wealth Fund? Ano ang hiwaga sa panukalang ito? Think about it.
12/6/202221 minutes, 36 seconds
Episode Artwork

‘Oath of Office’ (Aired December 1, 2022)

Ang oath of office o panunumpa sa tungkulin ay napakahalaga para sa mga halal na public officers bago sila magsimula ng panunungkulan. Ito ay pahiwatig na ang mga nahalal na lingkod bayan ay sumusumpa sa Diyos at sa sambayanan na gagampanan nila nang mabuti at buong katapatan ang kanilang panunungkulan, at nangangakong hindi gagamitin ang katungkulan para sa sariling interes, at anumang interes pampinansyal ng kanilang pamilya. Subalit ang malungkot na katotohanan, may iba na nagpapakilalang lingkod bayan na pinapamunuan pa nga ang mga importanteng komite sa lehislatura, pero hindi dinidinig ang mga napakahalagang panukalang batas na magiging kapaki-pakinabang sa bayan, dahil ito ay magiging hadlang sa mga pinansyal na interes ng kanilang pamilya at angkan? Hahayaan lang ba natin ito? Think about it.
12/1/202212 minutes, 45 seconds
Episode Artwork

‘Insult to Intelligence’ (Aired November 29, 2022)

Ang confidential fund ay nakalaan para sa surveillance activities ng civilian government agencies, habang ang intelligence fund naman ay para sa militar at security officials and personnel sa kanilang pangangalap ng mga impormasyon para pangalagaan ang seguridad ng bansa. At sa 5.268 trilyong pisong pambansang budget ng Pilipinas para sa 2023, ang kabuuang halaga ng confidential at intelligence funds ay umaabot sa halagang 9.2 bilyong piso, kung saan ang pinakamalaking bahagi ay mapupunta sa tanggapan ng Pangulong Marcos na nasa 4.5 bilyong piso. Ang pondong ito ay  higit pa sa pinagsamang confidential at intelligence funds ng mga sangay ng pamahalaan na siyang may pangunahing tungkulin para sa pangangalaga ng seguridad ng bansa. Habang ang office of the Vice President ay may panukalang 500 milyong piso na confidential fund. Karapat-dapat ba talagang tumanggap ng ganito kalaking budget ang opisina ng Presidente at Bise Presidente, pati na ng ibang sangay ng gobyerno na wala namang kinalaman sa pangangalaga ng ating national security? At paano susuriin ng Commission on Audit ang magiging paggasta ng bilyon-bilyong pisong pondo kung napakadaling ikatwiran na confidential nga ang pinaggamitan nito. Think about it.
11/29/202211 minutes, 58 seconds
Episode Artwork

Kasakiman ng Tao’ (Aired November 17, 2022)

Ibinalita ng DENR ang pakikiisa umano ng Pilipinas sa tinaguriang One Planet Initiative na naglalayong lumikha ng mga solusyon para labanan ang lumulubhang climate change, at pangangalaga sa ecosystem at biodiversity ng kalikasan. Pero ang naiulat na adbokasiyang ito ay taliwas sa nakakabinging katahimikan ng ahensya sa nangyayari ngayong reklamasyon sa Manila Bay na isang deklaradong key biodiversity area, para lamang magbigay daan sa mga commercial at business districts. Sa katanuyan, mayroong labing anim na reclamation projects sa Manila Bay na mariing tinututulan ng mga siyentista at environmentalists dahil magdudulot ito ng malawakang pinsala kapag nagkaroon ng malakas na bagyo at paglindol. At kapag nangyari ang mga delubyong pinapangambahan ng mga siyentista, posibleng wala na ang mga negosyanteng nagsusulong ng proyekto at mga taong gobyerno na nag-apruba nito para managot sa taong bayan, pero tiyak na ang susunod na henerasyon ang magdudusa sa panganib na dala ng reklamasyon. Think about it.
11/17/202217 minutes, 46 seconds
Episode Artwork

‘Oplan Galugad Forever’ (Aired November 10, 2022)

Kahit taun-taong kasama sa accomplishment ng Bureau of Corrections ang kanilang tinatawag na  "Search and Confiscation of Contrabands", madalas pa ring pumutok ang mga kontrobersya kaugnay sa hindi maayos na pagpapatakbo ng New Bilibid Prison. Nariyan ang tumambad noon na magagarang kubol ng ilang high-profile inmates sa maximum security compound ng bilibid, at anomalya sa pagpapalaya ng BuCor sa mga kriminal na may karumal-dumal na krimen sa ilalim ng programang Good Conduct Time Allowance. At ngayon, nahaharap na naman sa panibagong kontrobersya ang ahensya dahil sa pagkamatay ng isang bilanggo na may kaugnayan sa pagpaslang sa broadcaster na si Percy Mabasa.  Sa pag-upo ng  bagong Officer-in-Charge ng BuCor, tuluyan na nga bang titino ang sistema sa New Bilibid Prison, o ang mga dating problema ay magpatuloy lang at muli na namang magpalit ng bagong hepe ng BuCor? Think about it.
11/11/202215 minutes, 59 seconds
Episode Artwork

‘Trabaho Sa/Ng Gobyerno’ (Aired November 3, 2022)

Gobyerno ang tumutugis sa mga pribadong kumpanya na hindi nagbibigay ng karampatang benepisyo sa mga empleyado, lalo na yung mga patuloy kinokontrata ang mga manggagawa kahit na mahalaga ang ginagampanan nilang trabaho. Pero tila mas masahol pa ang gobyerno sa paglabag sa karapatan ng mga mangagawang Pilipino, dahil base sa Inventory of Human Resources ng Civil Service Commission, aabot sa higit anim na raang libo ang contract of service at job order workers ang nasa iba't-ibang sangay ng pamahalaan, kasama ang nasa executive offices at local government units. Kaya maraming pobreng mangagawa ang deka-dekadang nanilbihan sa national at local government offices na inabot na ng pagreretiro subalit walang nakuhang kahit anumang benepisyo. At sa isang pag-aaral, lumalabas na ginagamit ng ilang pulitiko ang mga job order workers na ito para sa kanilang personal na interes. Think about it.
11/4/202213 minutes, 29 seconds
Episode Artwork

‘Turuan sa Bukulan’ (Aired October 27, 2022)

Pagkatapos ng limang hearing, tuluyan nang winakasan ng Senate Blue Ribbon Committee ang kanilang imbestigasyon tungkol sa isiniwalat ng COA sa kanilang Audit Report na 2.4 bilyong pisong halaga ng "pricey" at "outdated" na laptops na binili ng DepEd, sa tulong ng Procurement Service ng DBM. Sa mga hearing na isinagawa ng Komite na imbitado ang ilang opisyal ng DepEd at DBM-PS, pati kinatawan ng mga nanalo at natalong bidders, nakumpirma ng mga Senador ang nakasaad sa COA Report. Sa pagtuturuan ng mga opisyal, natuklasan din sa imbestigasyon na hindi malinaw sa parehong panig ng DepEd at DBM-PS kung anong Memorandum of Agreement ang kanilang naging basehan para sa Invitation to Bid. Sa mabilis na paggasta ng pera ng bayan ay nagkaisa sila, ngunit ngayong naghahanap na ang bayan kung sino ang may pananagutan... nagtuturuan na? At may mapanagot naman kaya sa tahasan nanamang pagnanakaw mula sa kaban ng bayan? Think about it...
10/27/202228 minutes, 29 seconds
Episode Artwork

“Praise Release” (Aired October 20, 2022)

Naglabas muli ng press release ang Bureau of Customs tungkol sa nasabat umano ng ahensya na 76 containers sa Port of Manila na naglalaman ng 228 milyong pisong halaga ng imported refined sugar.  Pero bago ang lahat, ano na ba ang balita sa lahat ng ginawang "pagbisita" ng BOC sa iba't-ibang bodega sa Luzon at Mindanao mula Agosto hanggang Setyembre ng taon, na umano'y puno ng hoarded at smuggled na asukal? May nakasuhan na ba? May nakulong na ba? At nasaan na ang mga asukal? O na wow mali na naman sila? Mapapaisip tuloy tayo, hindi kaya ang lahat ng press release na inilalabas ng Bureau of Customs ay maituturing lamang na... "praise" release? Think about it.
10/21/20229 minutes, 3 seconds
Episode Artwork

“Ipagpaliban...Para sa Bayan?” (Aired October 18, 2022)

Sa bisa ng Republic Act 11935, ang nakatakda sanang Barangay at SK Elections ngayong taon ay ipagpapaliban at isasagawa na sa Oktubre 2023. Ang katwiran ng mga mambabatas sa pagpapaliban ay para makatipid at magamit raw ang pera para sa pangangailangan ng ating mga kababayan... Para sa bayan nga bang maituturing, kahit ipinagdiinan na ng Comelec na dodoble ang gastusin ng gobyerno kapag iniurong ang Barangay Elections sa susunod na taon? Pero sino ba naman tayo para kwestyunin ang katalinuhan ng ating mga mambabatas... Hindi ba't wala naman tayong magagawa kundi mag-ambagan na naman at paghirapan ang dagdag  bilyong pisong pondo dahil sa pagpapaliban ng halalan? Think about it...
10/18/202212 minutes, 47 seconds
Episode Artwork

“Bantay Presyo” (Aired October 13, 2022)

#TedFailonandDJChaCha | Kahit sino siguro ang tanungin ngayon ay alam ang kahulugan ng salitang inflation, dahil ramdam ng lahat ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo. At nakakadismayang  malaman na napakalaki ng diperensya sa presyo ng mga gulay sa bagsakan nito sa Benguet, kumpara sa listahan ng Bantay Presyo ng Department of Agriculture sa mga pamilihang bayan sa Metro Manila. Maganda ang pangarap ng Pangulo na gawing sentro ng agrikultura sa buong daigdig ang Pilipinas. Pero ang katuparan ng pangarap na ito ay malayo kung hindi magsisimula ang maayos at mabilis na pagkilos ng mga tauhan ng Kagawaran ng Agrikultura na pinamumunuan mismo ng Pangulo. Think about it...
10/13/202210 minutes, 9 seconds
Episode Artwork

“Irrelevant” (Aired October 11, 2022)

Importante at karapatan ng taumbayan ang pagtatanong kung saan kumukuha ng pera ang isang opisyal ng gobyerno sa kanyang pangingibang bansa, mapa-personal trip o official visit man ito. Pero nang tanungin ng media kung sino ang gumastos sa naging byahe ng Pangulong Marcos Jr. kasama ang pamilya para manood sa Formula 1 Grand Prix sa Singapore kamakailan lang, tinawag na "irrelevant" ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang katanungan ng media. Kailan pa naging irrelevant ang pagtatanong ng mamamayan sa paggamit ng pondo ng bayan? Paano mo aalamin ang katotohanan sa mga isyung pambayan kung ang iyong gagawing pag-uusisa ay sasabihing "irrelevant?" Think about it...
10/11/202211 minutes, 34 seconds
Episode Artwork

“Corruption Pa Rin...” (Aired September 22, 2022)

Sa pinakahuling survey sa mga CEO, korapsyon pa rin ang nakikita ng business leaders na pinakamabigat na balakid sa economic recovery ng bansa. Kaya naman ang "accountability and transparency" at "fight against corruption" ang nais nilang unahin at dapat tutukan ng Marcos administration, at pumapangatlo lamang ang "attracting more foreign investments". Bago sana ibida ni Pangulong Marcos Jr. na investor friendly ang Pilipinas sa kanyang mga state visit ay ayusin muna natin ang matagal nang inirereklamo ng mga kasalukuyang negosyante sa Pilipinas. Gaano man karaming pledges mula sa foreign investors ang maiuwi ng ating Pangulo, hindi kaya manatiling pangako lang ang mga ito hanggat nand'yan pa rin ang korapsyon na matagal nang sakit ng gobyerno? Think about it...
9/22/202212 minutes, 20 seconds
Episode Artwork

“Mitsa” (Aired September 20, 2022)

Sa paglipas ng taon, pababa nang pababa ang self-sufficiency ratio ng bansa pagdating sa produktong agrikultural ng mga pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino, habang tumataas naman ang ating import dependency. Importasyon ang laging solusyon ng gobyerno sa krisis sa pagkain kahit nabubulukan ng produkto ang ating magbubukid, na isinisisi pa sa kanila ng mga matataas na opisyal ng Kagawaran ng Agrikultura. Sa nagdaang 88 araw mula nang maupo ang bagong administrasyon, natukoy na kaya nila kung bakit hindi mapagtagumpayan ng bansa ang adhikain nito sa food security? At sa pag-upo ng pangulo bilang kalihim mismo ng Department of Agriculture, napag-usapan na kaya ang kawalan ng kakayahan ng mga taong namamalakad sa ahensya na isa sa mga problema? Ang food crisis ay isang mitsa sa ilan pang problemang panlipunan. Kailangan bang masagad ang mitsa? #ThinkAboutIt
9/20/202214 minutes, 9 seconds
Episode Artwork

‘Pasahan...Sisihan...Na Naman’ (Aired September 6, 2022)

Humarap na sa unang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga opisyal ng DepEd at Procurement Service ng DBM hinggil sa binili nilang 2.4 bilyong pisong halaga ng laptops na di umano'y overpriced at outdated. Isa sa naging mainit na tanong ng mga Senador ay kung bakit pumayag ang DepEd na mula sa P35,000 na halaga ng bawat laptop ay itinaas ito ng DBM-PS sa presyong nasa P58, 000 ang isa, para sa parehong specifications. At nang busisiin na sa pagdinig ang isyu ng naging proseso sa pagbabago ng presyo, nagpasahan at nagsisihan na ang mga opisyal at kawani ng DepEd at DBM-PS. Kung sa pagbabago pa lang ng presyo ng laptop ay nagpapasahan na sila, ano naman kaya ang kanilang ikakatwiran kapag pinag-usapan na ang kalidad ng kanilang biniling napakamahal na laptops? Think about it...
9/6/202218 minutes
Episode Artwork

‘May Makulong Naman Kaya’ (Aired August 30, 2022)

Sa banta ng krisis sa supply ng asukal, nagkaroon ng kabi-kabilang  pagdalaw ang Bureau of Customs sa malalaking bodega ng asukal. Tinawag ng Malacanang na "artifical" o hindi totoo, ang sinasabing kakapusan sa supply ng asukal na dulot lang umano ng hoarding ng traders na umiipit sa supply upang tumaas ang presyo nito. Sa katanuyan, aabot na sa higit isang milyong sako ng asukal ang nadiskubre ng customs mula sa mga bodega sa Luzon at Mindanao, pero hanggang ngayon hindi pa rin tinutukoy kung may legal na dokumento ang mga asukal sa bodega o ilegal ang nakaimbak na mga asukal na ito. Sa kasaysayan ng DTI at Bureau of Customs, wala pang napakulong dahil sa hoarding at smuggling,  subalit ngayong tutok ang ating Pangulo sa usapin ng supply ng asukal,  may mapakulong na kaya na hoarder at smuggler? Think about it...
8/30/202213 minutes, 52 seconds
Episode Artwork

“Buy Now, Plan Later” (Aired August 23, 2022)

Taong 2020 nang magkaroon ng inisyatiba ang Department of Information and Communications Technology na tumulong sa sektor ng edukasyon sa panahon ng pandemya,  sa pamamagitan ng pagbibigay ng tablets,  laptops at pocket wifi. Maganda ang adhikain ng programa subalit hindi naging maayos ang implementasyon na humantong sa oversupply at overstocking ayon sa ginawang pagsusuri ng Commission on Audit.  Saan ka naman kasi nakakita ng proyekto na hindi tinukoy ang mga benepisyaryong makatatanggap pero bumili na agad ng mga laptop at tablet na nagkakahalaga ng 92 milyong piso, kaya nakatambak lang sa bodega. Ang proyektong ito ng DICT ay isa nanaman bang kaso ng supplier-driven purchase ng gobyerno na nagpapakita ng kapabayaan sa paggasta ng pera ng bayan? Think about it... For more videos, visit us at www.news5.com.ph.
8/23/202210 minutes, 27 seconds
Episode Artwork

Logic and Common Sense (Aired August 16, 2022)

Kung ikaw ay may budget na P58,000 para pambili ng laptop, pipili ka ba ng laptop na mabagal, mababa ang specs at outdated? Sa simpleng paggamit ng sentido komon,  hindi ka bibili ng outdated na laptop kung perang galing sa sweldong pinaghirapan mo ang ipambabayad mo.  Pero ang Department of Education at DBM-Procurement Service,  tila hindi gumamit ng logic at common sense sa paggamit ng pondong 2.4 bilyong piso para bumili ng mga kwestyunableng laptop na inirereklamo ngayon ng mga gurong nakatanggap. Logic at common sense lang din ang kailangan  para maramdaman mo na may problema sa naging paggasta ng DepEd at DBM-PS sa pera ng bayan para sa mga "mahiwagang" laptop. Think about it...
8/16/20229 minutes, 38 seconds
Episode Artwork

Hindi Maanomalya? (Aired August 11, 2022)

Sa inilabas na 2021 Annual Audit Report ng Commission on Audit sa Department of Education at Procurement Service ng DBM, pumutok ang balita tungkol sa kwestyunableng mga laptop na binili ng DepEd na may kabuuang halaga na 2.4 bilyong piso galing sa pondo ng Bayanihan 2 fund. Inilarawan ng COA ang mga laptop na binili para sa public school teachers para sa distance learning na 'pricey' at 'outdated', dahil nagkakahalaga ang bawat isa ng P58,300 kahit napakababa ng specifications ng mga ito at hindi pasado sa technical requirements ng DepEd, kaya sangkaterba ang reklamo ng mga gurong nakatanggap nito. Depensa ng DepEd, Procurement Service ng DBM ang responsable sa procurement ng mga kwestyunableng laptop at hindi maanomalya. Ano sa palagay niyo, umusad kaya ang imbestigasyon na isinusulong sa kamara? Magkusa kaya ang Senado ng imbestigasyon sa napakaimportanteng isyung pang-bayan na ito? Think about it....
8/11/202223 minutes, 52 seconds
Episode Artwork

Korapsyon sa Agrikultura (Aired August 4, 2022)

Sa halos lahat ng talumpati sa tatlumpu't limang State of the Nation Address ng mga nagdaang Pangulo, mula kay Pangulong Corazon Aquino hanggang sa SONA ni Pangulong Bongbong Marcos, laging nababanggit ang programa para sa agrikultura. Pero ang laging ipinapangako na farm-to-market roads at iba pang pasilidad para sa magsasaka, nauwi sa korapsyon ang ilang bilyong pisong pondo tulad ng pork barrel fund scam, fertilizer fund scam, talamak na agricultural smuggling at iba pa. Gayunpaman, sa dami ng planong sinambit ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang nagdaang SONA, bakit walang nabanggit tungkol sa korapsyon? Ano kaya ang plano ng administrasyon para masugpo ang korapsyon na magiging pangunahing problema para maipatupad ang lahat ng kanilang programa, lalo na sa sektor ng agrikultura? Think about it.
8/4/202210 minutes, 55 seconds
Episode Artwork

DPWH: Departamentong Paborito Part 2 (Aired July 26, 2022)

Sa 2021 Annual Audit Report ng Commission on Audit, lumalabas na ang DPWH ay may mababang utilization rate dahil sa higit 700 bilyong pisong pondo ng kagawaran, nasa 258.4 bilyong piso ang hindi nila nagasta hanggang katapusan ng 2021. Habang sa mga imprastraktura na pinaglaanan ng pera ng DPWH sa buong bansa, libo-libo ang mga proyektong nakita ng COA na hindi pa nasimulan o unimplemented, delayed, unfinished, suspended, terminated at substandard. Ang mga obserbasyong ito ng COA ay nakita na rin sa 2020 Audit Report ng DPWH, subalit sa kabila ng kapabayaan ng ahensya, bakit pa rin naglalaan ang pamahalaan ng pagkalaki-laking pondo sa isang departamento na hindi naman nagagasta nang tama ang perang ibinibigay sa kanila? Ngayong bago na ang administrasyon, may maganda kayang pagbabagong mangyari sa paboritong departamento? Magkano na naman kaya ang perang ilalaan sa kanila mula sa 2023 national budget?  Think about it.
7/26/202215 minutes, 9 seconds
Episode Artwork

DPWH: Departamentong Paborito (Aired July 21, 2022)

Sa mga nagdaang taon, laging pumapangalawa sa DEPED ang DPWH sa mga departamentong binibigyan ng pinakamalaking pondo mula sa ating pambansang budget. Ito ay sa kabila ng taun-taong pagsita ng Commission on Audit sa DPWH dahil sa mga proyektong hindi natatapos, pati na mababang utilization rate ng ahensya. Samantalang ang Department of Agriculture na pangunahing ahensya na kailangang tumugon sa food security ng bansa ay may napakaliit na pondo kumpara sa DPWH na kapansin-pansin na paboritong departamento ng ehekutibo at lehislatura. Ang magiging alokasyon ng trilyong pisong pambansang budget ng administrasyong Marcos ang magpapatunay kung totoong prayoridad ng kasalukuyang gobyerno ang seguridad sa pagkain at kalusugan ng mga Pilipino. Think about it.
7/21/20229 minutes, 39 seconds
Episode Artwork

‘Mga Plastic...’ (Aired July 14, 2022)

Bilang tugon sa climate change, balak ng pamahalaan na patawan ng buwis ang single-use plastics, kaya sangkaterbang panukala na naman ang nakaabang na ihahain sa papasok na kongreso. Pero alam niyo ba na dalawampu't dalawang taon na ang nakakaraan nang maipasa ang batas kontra single-use plastic na RA 9003 o ang Ecological  Solid Waste Management Act of 2000 na inoobliga ang National Solid Waste Management Commission na pinapangunahan ng kalihim ng DENR, na maglabas ng listahan ng Environmentally Acceptable Products, subalit inabot na ng dalawang dekada ay wala pa rin. Lumabas sa isang pag-aaral na malaking porsyento ng plastic residuals ay mga branded na produkto mula sa malalaking korporasyon. Ito kaya ang nakakaimpluwensiya sa desisyon ng sinumang umuupong opisyal ng DENR kaya hanggang ngayon ay walang listahan ng mga produktong hindi katanggap-tanggap sa kapaligiran? Ang bagong itatalagang kalihim ng DENR na kaya ang maglabas ng listahan? Think about it...
7/14/20229 minutes, 42 seconds
Episode Artwork

Build Now, Apply Permit Later (Aired July 7, 2022)

Sa bisa ng Presidential Proclamation 296, idineklara na isang protected area ang Upper Marikina watershed noong 2011. Sa kabila nito, pinayagan ang operasyon ng large-scale quarrying sa Upper Marikina watershed na tinututulan ng environmentalists at ilang city Mayors ng Metro Manila. Maliban diyan, nagsulputan ang mga resort at establisyemento na ilegal na nagpatayo ng istraktura sa Masungi Georeseve sa Baras, Rizal na parte ng protected area. Paano nakapagpatayo ng istraktura ang mga resort na walang kaukulang permiso mula sa DENR at LGU? Ano ang gagawing aksyon ng gobyerno sa tila naging kalakaran na build now, apply permit later? Think about it.
7/7/202216 minutes, 26 seconds
Episode Artwork

‘Huwag Tayo Pauto’

Sa panahon ngayon na ang buong mundo ay apektado sa sobrang taas ng presyo ng petrolyo, malaking tulong sa pangangailangan ng Pilipinas ang pag-ani ng langis na nasa ilalim ng ating karagatan sa West Philippine Sea. Pero sa halip na makinabang, walang napala ang Pilipinas sa higit tatlong taong kasunduan sa China para sa joint oil and gas exploration project sa West Philippine Sea, maging ang mga pribadong kumpanyang may service contract sa gobyerno na nag-aaral sa lawak ng yaman ng natural gas sa Recto Bank na sakop ng ating soberanya ay kanilang tinututulan. Sa papasok na bagong administrasyon, plano nanaman daw ng China na buhayin ang negosasyon sa Pilipinas para sa isa nanamang joint oil exploration project. Saan nanaman tayo dadalhin ng binabalak na ito ng China? Aasa tayo uli sa kanila? Think about it...
6/29/202212 minutes, 3 seconds
Episode Artwork

Independent? (Aired June 23, 2022)

Taong 1994 nang unang ipanukala sa Kongreso ang National Land Use Act na dapat pipigil sa land conversion ng mga lupang pang-agrikultura sa Pilipinas at paglatag ng panuntunan sa wastong paggamit ng kalupaan sa bansa, subalit inabot na ng tatlong dekada ay hindi pa rin naipapasa ang batas. Sa 17th Congress, bagamat nakalusot sa kamara, at kahit makailang ulit nang naipanawagan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA ang pagpapasa ng National Land Use Act, hindi nakakalusot ang batas at natetengga lang sa Senado. Sinasabi ni Senador Sonny Angara na kahit may supermajority sa Kongreso, magpapatuloy umano ang kanilang independence at iiral ang checks and balances sa gobyerno. Sa panahon ngayon na namamayani ang dinastiya sa ating lehislatura at ehekutibo, mamayagpag kaya ang prinsipyo ng checks and balances kaysa interes ng mayayaman sa kanilang negosyo? Maipasa na kaya ang National Land Use Act sa Senado upang mapigilan na ang walang habas na pagkamkam sa mga lupang sakahan na nagiging banta na sa ating food security? Think about it.
6/23/202211 minutes, 54 seconds
Episode Artwork

Urgent! Fuel Cost Unbundling (Aired June 16, 2022)

Isinulong sa kongreso ang panukalang fuel cost unbundling na maglalantad kung anu-ano ang basehan ng mga oil company sa pagpe-presyo sa produktong petrolyo. Maliban kasi sa value added tax at excise tax na ipinapataw ng gobyerno, may gastusin ang bawat kumpanya ng langis na ipinapatanong sa presyo ng bawat litro kasama ng kanilang kita. Kung matuloy ang unbundling o paghihimay sa presyuhan ng gasolina, magiging klaro sa mga consumer kung bakit sa gitna ng pagtaas ng presyo ng petrolyo ng malalaking kumpanya, may small players na nagbababa ng presyo. Sa mariing pagtutol ng iba't-ibang samahan ng kumpanya ng langis, itutulak kaya ito ng papasok na administrasyon? Manaig kaya ang interes ng bayan sa presyuhan ng petrolyo? Think about it.
6/16/202210 minutes, 16 seconds
Episode Artwork

Magna Carta of Commuters (Aired June 14, 2022)

Isinusulong ng isang Non-profit Organization ang pagkakaroon ng batas na Magna Carta of Commuters. Adhikain nito na makaranas ng komportable at ligtas na pagbiyahe ang mga pangkaraniwang mamamayan gamit ang public transportation. Kasama sa adhikain ng panukala ang pagbibigay halaga sa pagbibisekleta bilang alternatibong paraan ng pagbiyahe. Subalit kasama sa panukala ang pag-oobliga sa mga opisyal ng pamahalaan na gumamit ng pampublikong transportasyon sa kanilang pagpasok sa opisina. Pumayag kaya ang mga Congressman at Senador sa panukalang ito? Think about it.
6/14/20229 minutes, 5 seconds
Episode Artwork

Tax Balato (Aired June 9, 2022)

Sa halos linggo-linggong pagtaas ng presyo ng gasolina, diesel at kerosene, nabuhay muli ang panawagan na suspendihin ang koleksyon ng excise tax na ipinapataw sa bawat litro ng produktong petrolyo. Pero sa kabila ng bilyun-bilyong pisong koleksyon ng gobyerno mula sa buwis sa langis, hindi sumang-ayon ang kasalukuyang administrasyon sa panukalang tigil-koleksyon ng excise tax. Bagkus ay mistulang nagbalato lamang sila ng libreng sakay para sa pasahero at fuel subsidy sa mga apektadong sektor, na hanggang ngayon ay napakagulo pa rin ng sistema ng pamimigay. Sa laki ng nakokolekta ng pamahalaan mula sa buwis sa petrolyo, aasa pa ba tayo na pakakawalan ito ng gobyerno? Think about it...
6/9/202210 minutes, 50 seconds
Episode Artwork

Kalayaan? Kaibigan? (Aired June 2, 2022)

Nagsampa ng Diplomatic Protest ang Pilipinas laban sa tatlo't kalahating buwang fishing moratorium na ipinatupad ng China sa karagatang sakop ng West Philippine Sea. Ito ay nangangahulugang bawal tayong mangisda sa sarili nating teritoryo kahit pa ang deklarasyon ng moratorium ay walang basehan sa batas ayon sa Department of Foreign Affairs. Hindi lang pangingisda sa karagatang sakop ng ating teritoryo ang ipinagbabawal ng China, maging ang pagsasaliksik sa yaman ng ating karagatan ay kanilang hinahadlangan. Ganito ba ang gawain ng isang bansa na nagpapakilalang kaibigan ng Pilipinas? Think about it...
6/2/202212 minutes, 29 seconds
Episode Artwork

Pangako Sa’yo (Aired May 24, 2022)

Isa sa mga ipinangako noong panahon ng kampanya ni presumptive  President Bongbong Marcos Jr. ay ang pagbaba ng presyo ng bigas sa dalawampung piso kada kilo. At para mangyari ito sa kanyang administrasyon, kailangang mag-ambagan ng mga Pilipino upang makalikom ng bilyong pisong pondo na subsidiya ng gobyerno sa bawat kilo ng bigas. Panibagong pondo ang kakailanganin para rito gayong sa kasalukuyan, ang utang at gastusin ng Pilipinas ay malaki na kaysa sa kayang kitain ng pamahalaan. Maisakatuparan kaya ang pangakong pagmura ng presyo ng bigas sa kabila ng napakalaking problemang pangpinansyal na kinakaharap ng gobyerno, o ang pangako ay pangako na lamang? Think about it...
5/24/20229 minutes, 1 second
Episode Artwork

Mga Aklat Para sa Lahat (Aired May 19, 2022)

Lumawak ang kaalaman ng publiko tungkol sa mga aklat pambata na kasama sa #NeverAgain book bundle ng Adarna House matapos ang "red-tagging" na ginawa ng ilang mga opisyal ng gobyerno laban sa publishing house ng mga libro. Pinapalabas na ang CPP-NPA-NDF ang nasa likod ng paglimbag ng mga aklat na ito na nagtuturo umano sa mga kabataan na maging radikal laban sa gobyerno. Subalit nilimbag ang mga aklat noon pang taong 2001, habang ang iba ay mula sa Barcelona na nasulat noon pang 1977 na isinalin lang sa wikang Filipino... Pero hanggang ngayon ay akma pa rin ang laman ng mga libro sa totoong nangyayari sa ating lipunan. Kaya ba pinapatigil ng ilang mga opisyal ng pamahalaan ang pagtangkilik ng mga aklat na ito, dahil takot silang mamulat ang mga kabataan sa naghaharing-uri ng mga nasa kapangyarihan? Ang pamamayagpag ng mga dinastiya sa nakaraang halalan ay isang klarong patunay. Think about it...
5/19/202213 minutes, 19 seconds
Episode Artwork

Pilipinas Kong Mahal (Aired May 17, 2022)

Nasa probisyon ng ating saligang batas ang pagbabawal ng dinastiya, pero walang kaukulang batas para maipatupad ito na nagresulta sa nagtatabaang dinastiya sa ehekutibo at lehislatura ng mga probinsya, lungsod at bayan dito sa Pilipinas. At kung dati ay nagsasalitan lang sa puwesto ang magkakamag-anak na pulitiko, ngayon ay sabay-sabay na silang tumakbo at nanalo sa iba't-ibang posisyon sa kanilang mga lokalidad. Pati Party-list ay kinukuha na rin nila. Ayon sa pag-aaral, kung saan naghahari ang matatabang dinastiya, doon rin laganap ang kahirapan dahil mas madaling bumili ng boto kung kumakalam ang sikmura ng mga taong nasasakupan mo. Ito ang malupit na katotohanan na ang sinasabing serbisyo sibil, ay nagmistula nang negosyo ng mga makapangyarihang pamilyang pulitiko. Pilipinas mong mahal... Ano na ang nangyari sa'yo? Think about it...
5/17/202211 minutes, 52 seconds
Episode Artwork

Huwag Tumangis (Aired May 12, 2022)

Tapos na ang panahon ng halalan at marami nang naiproklamang kandidatong nanalo para sa lokal na pamahalaan, habang hinihintay ang proklamasyon ng mga nanalong Senador, Party-list Representatives, maging ng bagong Pangulo at Pangalawang Pangulo. Nanalo ba ang iyong kandidato, o ikaw ba'y lumuluha ngayon? Huwag kang tumangis... Ipahinga ang iyong isipan at katawan dahil nasa ibang yugto na tayo ngayon ng ating demokrasya. Tama, move on tayo... Panahon naman ng paghingi ng pananagutan; accountability and moral ascendancy. Think about it...
5/12/202212 minutes, 34 seconds
Episode Artwork

Paano Kumikilos ang Trolls? (Aired May 4, 2022)

Sa panayam kay Dr. Jonathan Ong, isang professor na nagsagawa ng pag-aaral tungkol sa trolls, ipinaliwanag niya kung paano kumikilos ang mga ito at nagagamit ng mga kandidato bilang makinarya sa pagpapakalat ng propaganda.
5/4/202245 minutes, 42 seconds
Episode Artwork

NLET na Pinipilit Part 2 (Aired April 28, 2022)

Naglabas ng show cause order ang LTFRB laban sa mga kumpanya ng bus na hindi bumabyahe sa kanilang ruta dahil may window hours lamang na pinapayagan silang gamitin ang kanilang pribadong terminal na nasa loob ng Metro Manila. Ipinipilit pa rin kasi ng mga ahensya ng DOTr, LTFRB at MMDA na tangkilikin ng provincial bus operators at commuters ang itinalaga nilang Integrated Terminal Exchange, partikular na ang North Luzon Express Terminal o NLET, sa kabila ng mga perwisyong dulot nito na suportado ng pag-aaral ng mga eksperto. Dagdag pa rito ang katotohanan na hindi naman mga pampublikong transportasyon ang sanhi ng mabigat na trapiko sa Edsa dahil sa datos ng MMDA, ang mga bus ay maliit lamang na porsyento ng kabuuang bilang ng mga sasakyang bumabagtas sa Edsa. Sa dami ng tumututol sa NLET, ano ba ang tunay na dahilan kung bakit nasisikmura ng DOTr at LTFRB na pahirapan ang pangkaraniwang mamamayan para matuloy lamang ang operasyon ng NLET? Think about it...
4/28/202221 minutes, 46 seconds
Episode Artwork

Ah...Basta...Bahala Na (Aired April 21, 2022)

Napakabigat ng problemang pang-ekonomiya na kailangang harapin ng susunod na pangulo at pangalawang pangulo ng Pilipinas. Ayon sa chief economist ng DOF, kakailanganin ng apatnapung taon upang mabayaran ang inutang ng kasalukuyang administrasyon na nagkakahalaga ng 1.31 trillion pesos, para sa COVID-19 response. Apat na dekada o dalawang henerasyon para sa 1.31 trillion pesos... paano pa kaya ang kabuuang utang ng Pilipinas na aabot sa 13.42 trillion na kailangang pag-ambagan ng bawat Pilipino. Labing-walong araw bago maghalalan, nakapili ka na ba ng iboboto mong pangulo at pangalawang pangulo na may malinaw na platapormang pang-ekonomiya? O aasa na lang sa mga naririnig mong pangako at bahala na kung ano ang kinabukasang naghihintay sa iyo at sa bayan mo? Think about it...
4/21/202210 minutes, 3 seconds
Episode Artwork

Pag-asang Sinakluban ng Pagkadismaya (Aired April 19, 2022)

Nakaramdam ng pag-asa ang mga magbubukid na malutas ang agricultural smuggling nang magkaroon ng pagdinig kaugnay dito ang Senado. Subalit sa ikatlong pagdinig, ang pag-asa ay nauwi sa pagkadismaya. Ang opisyal kasi ng Department of Agriculture ay bumawi sa nauna nyang sinabi na sangkot ang matataas na tao sa smuggling ng gulay. Pati ang National Intelligence Coordinating Agency na matagal nang nag-iimbestiga sa kaso, wala pa ring validated list ng smugglers. Dagdag pa ang Bureau of Customs na ipinagyayabang ang kanilang mga nasabat na smuggled na gulay, at pagsasampa ng daan-daang kaso sa Department of Justice, pero wala kahit isang nakakulong. Masasawata pa kaya ang agricultural smuggling kung ang sindikato at protektor nito ay nasa gobyerno umano? Think about it...
4/19/202214 minutes, 56 seconds
Episode Artwork

NLET Na Pinipilit (Aired April 7, 2022)

Nagbaba ng polisiya ang pamahalaan na papayagan lamang mag-operate ang provincial bus companies kung gagamitin nila ang integrated terminal exchange kagaya ng nasa Sta. Rosa Laguna, PITX sa Paranaque at North Luzon Exchange Terminal o NLET sa Bocaue, Bulacan. Kumpara sa PITX na may agad kang masasakyan mula bus, sa NLET ay tanging P2P buses ang magagamit na transportasyon ng commuter papasok ng Maynila. Ipinipilit pa rin ng LTFRB at DOTr ang paggamit sa NLET sa kabila ng pagtutol ng grupo ng bus operators at mga mananakay. Ayon nga sa isang pag-aaral ng mga dalubhasa, magdudulot ito ng dagdag gastos sa pamasahe dahil sa putol-putol at mas mahabang oras ng byahe sa mga commuters. Benepisyo sa aspeto ng intermodality ba talaga ang idudulot ng NLET, o perwisyo sa pasahero? Think about it...
4/7/202215 minutes, 36 seconds
Episode Artwork

Busilak na Binaboy 2 (Aired April 5, 2022)

Sa Nationwide Survey ng Pulse Asia noong Enero 2022, lumalabas na  62% lamang ng mga rehistradong botante sa buong Pilipinas ang nakakaalam ng ibig sabihin ng Party-list System. Kamakailan, naglabas ng pag-aaral ang grupong Kontra Daya kung saan, sa 177 na tumatakbong Party-list groups, 120 ang kwestyunable. Ang Party-list ay dapat kumakatawan sa marginalized at underrepresented sectors, subalit marami ang nananamantala sa kamangmangan ng mga botante at ginagamit ito sa kanilang pansariling interes. Napapanahon na ba na amyendahan ang Party-list System Act, at maaasahan naman kaya natin ang kongreso na itama ang mali sa sistemang ito? Think about it...
4/5/202211 minutes, 19 seconds
Episode Artwork

The Untouchables...Eh Ano Ngayon? (Aired March 31, 2022)

Sa naging hearing ng senado noong March 28 kaugnay ng hindi masawatang agricultural smuggling sa Pilipinas, kinumpirma ng opisyal ng Department of Agriculture na hindi ito matigil-tigil dahil sa pakikialam ng "matataas na tao." Pero hindi niya inilantad ang pangalan ng "matataas na tao" na nasa likod ng smuggling at humiling pa ng executive session kung saan mga senador lamang ang makakaalam ng kanilang identity. Hindi na ito binusisi ng mga senador, kagaya ng di nila pag-usisa sa kinatawan ng DOJ na nagsabing may kasong nakasampa laban sa agricultural smuggling pero walang nakakulong at may nadismiss pa. Kailan pa kaya matatapos ang hinagpis ng ating mga magsasaka kung ang mga sangkot sa smuggling ay mga untouchables? Think about it...
3/31/202213 minutes, 41 seconds
Episode Artwork

Iniibig na Naman Nila....Ang Mga Magsasaka (Aired March 24, 2022)

Sa nararanasan nating pagtaas ng presyo ng produktong agrikultural, kinumpirma ng grupo ng magsasaka sa Benguet na mga middleman nanaman ang kumikita, dahil ang farm-gate price ay nananatiling mababa. Dagdag pa sa suliranin ng magbubukid ang talamak pa ring smuggling ng gulay na matagal na nilang inirereklamo sa gobyerno. Kapag walang eleksyon, laging kawawa ang magsasaka, laging huli ang agrikultura... Pero ngayong panahon ng halalan, sinusuyo nanaman sila ng lahat ng kandidato. Sino ba sa mga kandidatong ito ang mapagpanggap? Think about it..
3/24/202217 minutes, 8 seconds
Episode Artwork

Windfall Profit (Aired March 21, 2022)

Linggo-linggo ay nagbabago ang presyo ng produktong petrolyo sa ating bansa, at ang pagbabago ay hango raw sa presyo naman ng petrolyo sa world market. Ngunit bakit ang bilis mag-omento at kung minsan ay sobra ang omento sa presyo per liter gayong ang nakaimbak na stock ng petrolyo ng oil companies ay nabili nila sa mas murang halaga. Sa nagdaang bigtime oil price increase maituturing bang malaki ang naging "windfall profit" ng mga kumpanya ng langis? Think about it...
3/21/202212 minutes, 48 seconds
Episode Artwork

E-salot 3 (Aired March 9, 2022)

Nais ng mga senador na pansamantalang suspendihin ang operasyon ng e-sabong habang iniimbestigahan ang pagkawala ng tatlumpu't apat na mga sabungero at indibidwal. Subalit ayaw pumayag ng PAGCOR dahil nanghihinayang sila sa 7.6 bilyong piso na isang taong kita ng gobyerno mula sa e-sabong, gayong lumalabas na ang kabuuang taya na nakokolekta ng e-sabong operators sa loob lamang ng sampung buwan ay halos 800 bilyong piso na. Sulit ba talaga ang kita ng pamahalaan sa e-sabong sa gitna ng idinudulot nitong sakit sa ating lipunan? Think about it...
3/9/202215 minutes, 49 seconds
Episode Artwork

E-Salot 2 (Aired March 1, 2022)

Tatlumpu't isa na ang bilang ng mga taong nawawala na may kaugnayan umano sa operasyon ng e-sabong. Ito ay mula Abril 2021 hanggang Enero ngayong taon. Iisa umano ang operator ng mga sabungan na kanilang pinuntahan. At patuloy na dumarami ang mga ulat ng mga taong nalululong sa e-sabong, kasama na riyan ang mga menor de edad at mga alagad ng batas. Sa gitna ng mga pangyayaring ito, bakit tahimik ang PAGCOR? Ang PAGCOR na siyang regulator ng e-sabong. Bakit wala silang ginawang aksyon...at kailangan pa ng imbestigasyon ng Senado... Think about it...
3/2/202212 minutes, 55 seconds
Episode Artwork

Puslit na Gulay Pa More (Aired February 22, 2022)

Humihingi nanaman ng tulong ang mga vegetable farmers sa Benguet dahil sa patuloy na vegetable smuggling na lubusang nakakaapekto sa kabuhayan ng mga magsasaka. Araw-araw umaabot sa 2.5 milyong piso ang nawawalang kita ng ating mga vegetable farmer dahil mas tinatangkilik sa merkado ang smuggled na carrots mula sa China. Alam ng mga vegetable farmer kung saan ang operasyon at bagsakan ng smuggled na gulay, pero ang mga taga Bureau of Customs bakit lang nakanganga? Think about it...
2/24/202212 minutes, 25 seconds
Episode Artwork

Disinformation = Fake News (Aired February 15, 2022)

February 15, 2022 Ang disinformation ay sinadyang pagpapakalat ng maling impormasyon na kilala ngayon sa tawag na fake news. Ito ay sinasadyang  kasinungalingan na paulit-ulit ipinapakalat, na kinalaunan ay pinapaniwalaan na ng mga tao. Ngayong papalapit ang pambansang halalan ang paniniwala sa kasinungalingan ay kumikitil sa ating kalayaan... Kalayaan na pumili ng kandidato, dahil papaano na kung ang iyong pagpili sa isang kandidato ay hango sa kasinungalingan? Think about it...
2/15/202211 minutes, 52 seconds
Episode Artwork

The Ordinary Thief vs. The Political Thief (Aired February 10, 2022)

Kung nagnakaw, bakit hindi nakakulong? Ito ang tanong ng iba, tanong na madalas din gamitin para ipagtanggol ang mga pulitikong inaakusahan ng pagnanakaw sa pera ng bayan. Mainam na malinawan ang taumbayan sa pagkakaiba ng ordinary thief, pangkaraniwang magnanakaw sa political thief o pulitikong magnanakaw! Ito ang paliwanag sa tanong na "kung nagnakaw bakit hindi nakakulong?"
2/10/202211 minutes, 39 seconds
Episode Artwork

Pagsugpo sa Korapsyon (Aired February 8, 2022)

Korapsyon. Lagi na lang ito ang pinaguusapan at pinagdedebatehan ng mga kandidato sa pangulohan sa tuwing sasapit ang halalan. Pangako na wawakasan ang korapsyon sa pamahalaan. Ngayon na humaharap na naman sa atin ang mga nagnanais maging Pangulo ng Pilipinas, sino sa kanila ang may "moral ascendancy"? May dangal at karapatan para magsabi sa mga taga gobyerno na huwag kayong magnakaw? Pilipino, pauuto ka na naman ba? Pilipino kailan ka magigising? Think about it.
2/8/202214 minutes
Episode Artwork

Import Pa More (Aired February 3, 2022)

Importasyon. Iyan ang laging solusyon ng pamahalan sa tuwing tumataas ang presyo ng isda sa mga palengke bunsod daw sa kakulangan ng supply. Bakit nga ba kulang ng supply? Hindi ba't may mga nauna pang inangkat na isda na aabot sa 60,000 MT? Anyare dun? Import pa more? THINK ABOUT IT...
2/3/202213 minutes, 43 seconds
Episode Artwork

SALN (Aired January 27, 2022)

Ang pagsusumite ng SALN o Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth ng mga opisyal at kawani ng gobyerno ay mandato ng saligang batas. Layunin ng paghahain ng SALN na supilin ang pagnanakaw mula sa kaban ng bayan at pagpapayaman ng mga kawani ng pamahalaan sa masamang paraan. Bakit ang iba ay itinatago ang SALN sa publiko?  Gaano ka importante ang  isyu ng pagsasapubliko ng SALN ngayong paparating na halalan, lalo na sa pangulohan? Think about it...
1/27/202214 minutes, 57 seconds
Episode Artwork

Mandatory ba ang Pagpapabakuna? (Aired January 25, 2022)

Sunod-sunod ang mga inilabas na mahigpit na patakaran laban sa mga hindi pa bakunado. Nariyan ang mainit na pinag-uusapang 'no vax, no ride' ng DOTr at mga ordinansa ng iba't-ibang lokal na pamahalaan. Pero teka muna, may batas bang nagsasabi na mandatory ang pagpapabakuna laban sa COVID-19? Paano na kung lumawak pa ang sakop ng "no vaccine, stay  home" policy ng gobyerno? Think about it.
1/25/202214 minutes, 1 second
Episode Artwork

“Kalamidad Pagtapos ng Kalamidad” Part 2

Sa pagtama ng pinakahuling mapanalantang bagyo na Odette sa bansa, naobserbahan nanaman ang kabagalan at pagkukulang ng pamahalaan pagdating sa disaster response. Lumulutang muli ang panukala na magtatag ng Department of Disaster Resilience. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon na ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act kung saan nakasaad ang institutional na tugon ng gobyerno tuwing may kalamidad. Nariyan din ang NDRRMC at Office of Civil Defense para tiyakin na nasusunod ang mandato sa bawat lokal na pamahalaan at kung nagagamit ba sa tamang paraan ang pondo mula sa natatanggap nilang Local Disaster Risk Reduction and Management Fund. Kailangan pa ba talagang magtatag ng bagong departamento o kailangan lamang gawin ng mga lokal na opisyal, NDRRMC at OCD ang kanilang trabaho upang magkaroon ng totohanang post disaster assessment? Think about it.
1/6/202217 minutes, 1 second
Episode Artwork

“Kalamidad Pagkatapos ng Kalamidad"

Taun-taon nasa dalawampung bagyo ang humahagupit sa Pilipinas na nag-iiwan ng bilyong pisong halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura. May programang pabahay naman ang gobyerno sa mga matinding sinalanta pero ang target beneficiaries pabalik-balik pa rin sa dating tirahan na deklaradong danger zone. Sa dinami-dami ng ating pinagdaanang kalamidad, masasabi bang natuto na tayo mula sa ating mga karanasan? O hindi pa rin organisado ang aksyon ng pamahalaan? Think about it...
1/4/202217 minutes, 41 seconds
Episode Artwork

Walang komunikasyon | Aired December 21, 2021

Nahaharap nanaman sa pagsubok ang ating bansa matapos hagupitin ng bagyong Odette ang ilang lugar sa Kabisayaan at Mindanao. Gaano nga ba kahalaga ang linya ng komunikasyon sa panahon ng kalamidad na tila laging nawawaglit sa isipan ng mga lokal na pamahalaan at naaalala lamang kapag nasalanta na ng bagyo ang kanilang nasasakupan? Pagkukulang noon, pagkukulang pa rin ngayon. Kailan ba tayo matututo? Think about it.
12/21/202111 minutes, 53 seconds
Episode Artwork

Bureau of Customs (and Traditions) | Aired December 16, 2021

Pinakinggan na ng Senado ang matagal nang hinaing ng mga vegetable farmers kaugnay sa talamak na smuggling ng mga gulay sa ating bansa. Umaksyon na kaya ang Bureau of Customs matapos ang imbestigasyong ito o igigiit pa rin ng kanilang Commissioner na malinis at sinisira lamang ang kanilang ahensya dahil walang mailabas na pangalan ang mga nag-aakusa? Eh sino ba ang unang dapat mag-imbestiga sa korapsyon na nagaganap sa loob ahensya? Ano na ba ang naging tradisyon sa institusyon na sinasabi ni Commissioner? Think about it.
12/16/202113 minutes, 10 seconds
Episode Artwork

Sarsuwela ng BOC | Aired December 14, 2021

Anu-ano? Sino-sino? Saan-saan? At papaano nga ba nakakalusot ang mga smuggled agricultural products sa mga pantalan? Iyan nga ang dapat alamin sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa talamak at hindi matigil-tigil na smuggling sa ating bansa. Panay ang huli at press release ng Bureau of Customs sa kanilang mga nasasabat pero bakit wala namang naipapakulong? Sarsuwela nga lang ba ito at papogi? Makuha kaya natin ang mga kasagutan sa mga katanungang ito ngayong umaga sa hearing ng Senado. Think about it.
12/14/202111 minutes, 1 second
Episode Artwork

Surveys | Aired December 9, 2021

Laganap ngayon ang pagkalat ng fake news at propaganda para sa interes ng iilan kung saan naglalabas pa ng umano'y mga survey para mapaniwala na malakas ang kanilang kandidato. Paano nga ba kilatisin ang mga election survey at ano ang mga palatandaan na ito ay kwestyunable? Kailan masasabi na ang isang survey ay kayang magrepresenta ng buong populasyon? Malapit na ang halalan kaya laging tandaan na ang iboboto mong kandidato ay sumasalamin sa iyong pagkatao. Think about it. For more videos, visit us at www.news5.com.ph.
12/14/202115 minutes, 42 seconds
Episode Artwork

The Ordinary thief vs. The Political thief | Aired December 7, 2021

Kung magnanakaw, bakit hindi nakakulong? Ito nga ang karaniwang linya ng mga nagtatanggol sa mga magnanakaw. Alam kaya ng mga taong ito ang mga tunay na pangyayari o sadyang nagbubulag-bulagan lang sa katotohanan? Ano nga ba ang pagkakaiba ng ordinary thief at political thief? Hahayaan niyo ba na kayo pa mismo ang pipili ng magnanakaw sa perang pinaghirapan nating lahat? Think about it.
12/7/202112 minutes, 47 seconds
Episode Artwork

"E-Salot" | Aired December 2, 2021

Pagkasira ng maraming buhay at pamilya dahil sa pagka-adik sa E-Sabong. Kumikita man ang PAGCOR sa E-Sabong, paano naman nila kukwentahin ang pinsalang ibinubunga nito sa pamilyang Pilipino? Pakinggan kaya ng PAGCOR ang panawagang itigil ang operasyon ng mga E-Sabong o sadyang mas importante sa kanila ang pera na ang karamihan ay galing sa dugo at pawis ng pangkaraniwang Pilipino? Think about it.
12/2/202113 minutes, 3 seconds
Episode Artwork

"Doble tara?" | Aired November 25, 2021

Nangako na ng imbestigasyon si Senate President Tito Sotto upang matukoy ang ugat at utak ng talamak na agricultural products smuggling. Mabulgar na kaya ang dahilan kung bakit walang takot ang mga smuggler lalo't hanggang sa ngayon ay walang mailabas na mga pangalan ang Bureau of Customs sa kung sinu-sino ang kanilang mga kinasuhan? Mabuking na din kaya ang galaw ng ilang tauhan sa Aduana na umano'y kasapakat sa smuggling, na ang iba ay siya rin umanong umaareglo sa kaso ng mga nahuhuling nagpupuslit ng mga produkto? Kumita na sa smuggling? Kumita pa sa pag-areglo ng kaso? Doble tara? Think about it.
11/25/202116 minutes, 8 seconds
Episode Artwork

“Gawi ng manlulupig” | Aired November 23, 2021

Hindi matapos-tapos na sigalot, tensyon at pag-angkin sa West Philippine Sea kahit malinaw na nasa atin ang sovereign rights nito, ano nga ba ang interes ng China sa karagatang ito? Patuloy din ang pambu-bully sa mga mangingisdang Pinoy at iba pang mga nais pumasok sa pinag-aagawang teritoryo sa kabila ng mga diplomatic protest na inihain ng Pilipinas laban sa China. Ganito ba ituring ng China ang sinasabi nilang kaibigang bansa...tinataboy, binu-bully at binabantaan? Magpapasiil ba tayo sa mga manlulupig? Think about it.
11/24/202116 minutes, 52 seconds
Episode Artwork

“Gawi ng manlulupig” | Aired November 23, 2021

Hindi matapos-tapos na sigalot, tensyon at pag-angkin sa West Philippine Sea kahit malinaw na nasa atin ang sovereign rights nito, ano nga ba ang interes ng China sa karagatang ito? Patuloy din ang pambu-bully sa mga mangingisdang Pinoy at iba pang mga nais pumasok sa pinag-aagawang teritoryo sa kabila ng mga diplomatic protest na inihain ng Pilipinas laban sa China. Ganito ba ituring ng China ang sinasabi nilang kaibigang bansa...tinataboy, binu-bully at binabantaan? Magpapasiil ba tayo sa mga manlulupig? Think about it.
11/23/202116 minutes, 36 seconds
Episode Artwork

"Large-scale na panloloko?" | Aired November 18, 2021

Patuloy ang pagkalugi ng mga magsasaka kahit na kabi-kabila ang panghuhuli at pagsalakay umano ng Bureau of Customs sa mga bodegang ginagawang imbakan ng mga smuggled na gulay. Dapat bang purihin ang Customs sa mga raid na ito? Eh bakit patuloy pa rin ang walang habas na large-scale agricultural smuggling sa kabila ng mabigat na parusang kakaharapin ng mapapatunayang nagkasala dito? May napakulong na ba kayo o pinaglololoko niyo lang kami? Think about it. For more videos, visit us at www.news5.com.ph.
11/18/202112 minutes, 54 seconds
Episode Artwork

"Isa ka rin bang...tanga?" | Aired November 16, 2021

Nahihirapan ka sa buhay at ang naiisip mong solusyon ay ang mga pulitiko na nagmimistulang patron na nagpapanggap na tagapagligtas sa kahirapan? Wala ka bang napapansin? Hndi ba't tila pinagsasamantalahan na ng ilang opisyal ang kahirapan ng mamamayan na kung minsan ang tingin sa kanila ay bobo? Think about it.
11/16/202111 minutes, 11 seconds
Episode Artwork

Mandatory o Voluntary? | Aired November 11, 2021

Laban o bawing desisyon sa pag-oobliga sa paggamit ng face shield, bakit nga ba tila magkataliwas ang desisyon ng IATF at ilang lokal na opisyal kung gagawing mandatory o voluntary ang paggamit nito? Nagpapataasan nga ba ng ere ang National government at LGU's na dapat sana'y nagkakaisa ng direksyon sa paglaban sa pandemya? Politika at pandemic corruption nga kaya ang dahilan ng pagtatalong ito? Think about it.
11/11/20218 minutes, 42 seconds
Episode Artwork

"The vaccine conundrum" | Aired November 9, 2021

Mandatory vaccination para sa 4.2M household beneficiaries ng 4Ps, posible kaya kahit wala sa probisyon ng batas na sumasaklaw dito? Eh ang “no vaccine” preference policy kaya na nais ipatupad sa mga lokal na pamahalaan? Hindi paglalabas ng gobyerno ng impormasyon ukol sa 44.5M doses ng sinovac dahil umano sa sinasabing non-disclosure agreement, ilan na kaya ang naiturok at mga natitira pa? Paano kung umayaw ang maraming Pilipino sa bakuna na made in China. Maabot kaya ng Pilipinas ang target na 70% vaccination coverage? Think about it.
11/9/202113 minutes, 59 seconds
Episode Artwork

Presyuhan ng langis (Part 2) | Aired November 2, 2021

Pagsulong ng DOE sa unbundling o ang paghimay sa gastusin ng mga oil companies sa kanilang operasyon upang malaman ang kanilang kinikita o tubo sa bawat litro ng gasolina, maipatupad kaya? Ngunit hindi ba ito nangangahulugan ng regulation sa industriya ng langis? Hindi ba't deregulated na ito sa ngayon? Ano ba talaga? Think about it.
11/2/202110 minutes, 22 seconds
Episode Artwork

Presyuhan ng langis | Aired October 28, 2021

Siyam na sunod na Linggo nang may pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo kaya umabot na ito sa bagong record high na presyuhan mula noong 2018 ayon sa datos ng DOE. Umaangal na rin ang mga motorista partikular ang mga PUV drivers sa patuloy na pagtaas ng gasolina at diesel. Panahon na ba para ibasura ang Oil Deregulation Law o kaya ay suspindehin ang ipinapataw na excise tax sa langis sa ilalim ng Train Law? May magawa kaya ang gobyerno? Think about it.
10/28/202111 minutes, 17 seconds
Episode Artwork

Dolomite beach: Maglalahong ningning? | Aired October 26, 2021

Daan-daang milyong pisong halaga ng pera ng bayan na ang ginastos para sa paglalagay ng artipisyal na buhangin na ngayon ay tinaguriang Manila Baywalk dolomite beach. 389 million pesos na pera ng bayan ang inilaan na dito at may kasunod pa umanong 269 million pesos. Sa tuwing bumabagyo bumabalik ang itim na buhangin sa dolomite beach, paano na kung ubos na ang pondo para sa pagtatambak ng artipisyal na puting buhangin? Sulit ba ang perang ating pinaghirapan sa proyektong ito? Think about it.
10/26/202112 minutes, 20 seconds
Episode Artwork

Political dynasty: Demokrasya o Family business? | Aired October 21, 2021

Kawalan ng progreso, laganap na kahirapan, karahasan at korapsyon...Ilan lang yan sa masamang epekto ng matatabang political dynasties. Anti-dynasty provision sa SK reform act, ito na kaya ang simula ng posibleng reporma para wakasan ang pamamayagpag ng Political clans? Malaki ang gagampanan dito ng uupong bagong presidente ng Pilipinas, ang iyo bang iboboto ay may malinaw na paninindigan laban sa political dynasty o hahayaan mo lang na mauwi sa pagiging halimaw ang ngayo'y nagtatabaang dinastiya na ginagawang family business ang politika? Think about it.
10/21/202124 minutes, 11 seconds
Episode Artwork

Political dynasty: Thin, fat and obese | Aired October 19, 2021

Inilahad sa isang pag-aaral na ang Political dynasty sa bansa ay patuloy na nananaba. Isa ito sa mga sinasabing dahilan sa paghina ng checks-and-balances sa ating demokrasya. Maipasa kaya ang Anti-Dynasty law sa Kongreso...sa Kongreso kung saan namumutiktik ang mga miyembro ng political dynasties? May pag-asa pa kayang matupad ang diwa ng saligang batas na nagbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat ng Pilipino para makapaglingkod sa bayan? Think about it.
10/19/202113 minutes, 29 seconds
Episode Artwork

Bawal magkamali | Aired October 14, 2021

Pagkalaki-laking utang, bagsak na ekonomiya, kagutuman, kawalan ng trabaho, ilegal na droga, korupsiyon — Ilan lang 'yan sa mga problemang haharapin ng susunod na Presidente ng Pilipinas. Paano ka pipili sa mga kandidato sa pagkapresidente? Ano-ano ba ang mga katangian na dapat nating isaalamg-alang sa pagpili? O muli kang magpapadala sa mga arte, pananalita, at pagpapanggap? Think about it.
10/14/202114 minutes, 19 seconds
Episode Artwork

Pilitan, gulatan, palitan sa panguluhan? | Aired October 12, 2021

Ang kandidatura para sa isang halal na posisyon lalo na sa panguluhan ay dapat pinag-iisipan at pinaghahandaan. Pero sa naganap na biglaang paghahain ng PDP-Laban ng COC sa pinakamataas na posisyon sa bansa, sa inyong palagay, maituturing ba itong mockery of the election process? Pero may butas nga ang batas sa substitution, dumaan kaya sa butas na ito ang PDP-Laban Cusi wing? Think about it. For more videos, visit us at www.news5.com.ph.
10/12/202111 minutes, 16 seconds
Episode Artwork

Party-list system: Busilak na binaboy? | Aired October 7, 2021

Busilak na adhikain ng Party-list system upang magkakaroon ng tinig ang mga marginalized at underrepresented sectors sa Kamara, nabababoy na nga ba? Panahon na ba para baguhin ang gabay sa kung sino ang maaaring tumakbo sa Party-list? Maging masinop at kilalaning mabuti kung sino-sino ang uupo sa isang Party-list na inyong ihahalal. Ito ba ay totoong kakatawan at makikipaglaban para sa inyong kapakanan sa Kongreso? Think about it.
10/7/202124 minutes, 57 seconds
Episode Artwork

Puslit na gulay | Aired September 30, 2021

Umaaray na ang mga pobreng magsasaka sa talamak na pagpupuslit ng mga gulay sa bansa na nagkalat at ibinebenta sa mga palengke. Matunton kaya ng Department of Agriculture, Bureau of Customs, at Department of Trade and Industry ang mga nasa likod ng smuggling na ito o patuloy na lang na magmamaang-maangan? Kailangan pa bang humantong sa isa na namang imbestigasyon sa Senado para magkaalaman kung sino-sino ang nasa likod nito? Think about it.
9/30/202114 minutes, 27 seconds
Episode Artwork

"Cutting corners?" | Aired September 28, 2021

Hindi pagsunod sa proseso o "cutting corners" na sinasabing saklaw ng tinaguriang blanket authority sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, makatwiran ba? Pharmally Pharmaceuticals na nag-supply umano ng mga substandard at pa-expire nang mga produkto — ito ba ang sinasabi nilang legally, technically, at financially capable na supplier? Think about it.
9/29/202114 minutes, 44 seconds
Episode Artwork

Paano ang ending nito? | Aired September 23, 2021

Mukhang hindi pa matatapos ang ginagawang imbestigasyon ng Senado sa ginawang pagbili ng DBM-PS ng mga medical supplies para sa DOH. Nailalantad ang ilang iregularidad. Pero ang tanong ng marami, ano ba ang ending nito? Think about it.
9/23/202114 minutes, 48 seconds
Episode Artwork

Huwag makalimot | Aired September 21, 2021

Mga sangkap ng isang "tyrant" o mapaniil na lider, ating alamin. Martial law, golden age nga ba o pinakamadilim na kasaysayan ng Pilipinas? "Never again!" and "Never forget!" Hahayaan pa ba natin na mangyaring muli ang mapait na karanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng Batas Militar sa pamumuno ng isang diktador? Think about it.
9/21/202118 minutes, 40 seconds
Episode Artwork

Betrayal of Public Trust? | Aired September 14, 2021

Karapatan ng taumbayan na malaman ang nilalaman ng SALN ng mga opisyal at kawani ng gobyerno. Bakit nga ba ito ipinagkakait ng Ombudsman na siyang tinaguriang protector of the people o tanodbayan? Bakit kailangang itago, dahil ba mayroong itinatago? Pinoprotektahan nga ba ng Ombudsman ang interes ng taumbayan o interes lang ng mga nakatataas at makapangyarihan? Think about it.
9/14/202115 minutes, 4 seconds
Episode Artwork

#TUMBLINGpaMORE | Aired September 9, 2021

Not once, not twice, not thrice... but many, many times na pag-urong sulong, laban o bawi ng IATF sa kanilang inilalabas na regulasyon para sa umano'y kaligtasan ng mamamayan laban sa Covid-19. Ilang beses pa bang mauulit ito? Ilang beses pa bang malilito at mahihilo ang mga tao sa pag-tumbling ng mga desisyon ng IATF? Think about it.
9/9/202113 minutes, 27 seconds
Episode Artwork

Paano kung walang COA? | Aired August 31, 2021

Sakripisyo at paghihirap ng mga COA auditors upang malantad ang paggasta ng mga taong gobyerno sa perang pinaghirapan ng taong bayan. Umano'y overpricing sa pagbili ng DBM-Procurement service ng mga surgical mask, face shield, PPE at iba pang medical supplies... May managot kaya? Think about it.
8/31/202113 minutes, 21 seconds
Episode Artwork

"We are not beggars" | Aired August 26, 2021

Pinuno ng DOH, kinailangan pang manduhan ng Presidente ng Pilipinas bago aksyunan ang karampatang benepisyo at special risk allowance na nakalaan at pinagpaguran ng mga healthcare workers. Hindi kaya't too late the hero na ito dahil punung-puno na ang mga healthcare workers sa sinasabing pagpapabaya sa kanila ng DOH, matuloy kaya ang mass resignation? Think about it.
8/26/202113 minutes, 15 seconds
Episode Artwork

"Red Flags" | Aired August 24, 2021

Mga tinaguriang red flags sa iba't ibang departamento ng gobyerno ayon sa COA report, bakit hindi iniimbestigahan ng PACC at Ombudsman? Mga nagpabaya at umabuso sa paggasta sa pera ng bayan, may managot kaya? Think about it.
8/25/202115 minutes, 29 seconds
Episode Artwork

"Criminal Act" | Aired August 17, 2021

Paulit-ulit na kapabayaan ng DOH at pagbalewala sa mga batas at panuntunan na nagreresulta sa pagkasayang ng mga biniling gamot na naka-imbak lang at nag-expire na sa kabila ng maraming Pilipino na nangangailangan na walang pambili ng gamot. 2020 COA audit report kaugnay sa deficiencies o pagkukulang ng DOH sa paggamit ng bilyong pisong halaga ng kanilang pondo, makalusot nanaman kaya sila o palulusutin nanaman sila? Think about it.
8/17/202120 minutes, 16 seconds
Episode Artwork

"Urgent: Central Database" | Aired August 12, 2021

Obligasyon ng DOH at DICT sa paggawa ng central database ng mga nabakunahan at pagkakaroon ng iisang klase ng vaccine card, anyare? Pasakit sa mga OFW para makabalik sa kani-kanilang trabaho sa labas ng bansa sa gitna ng pandemya, kailan kaya matatapos? Think about it.
8/12/202114 minutes, 25 seconds
Episode Artwork

Mga salita... | Aired August 10, 2021

Mainit na usapin sa pagitan ng UP OCTA-Research at DOH sa isyu ng nangyayaring pagtaas ng COVID-19 cases sa Metro Manila at iba pang lugar. Bakit nga ba ilag na ilag ang gobyerno na ituring na mayroon ng community transmission ang Delta variant sa Pilipinas? Think about it.
8/10/202114 minutes, 6 seconds
Episode Artwork

“Lockdown Season: Episode 4” | Aired August 5, 2021

Pagdedeklara ng ECQ o lockdown, kaya ba nitong pigilan ang bagsik ng Delta variant o naipagpapaliban lang ang pagkalat ng naturang virus? Matutuloy kaya ang Merry Christmas sa Metro Manila? #ThinkAboutIt
8/5/202115 minutes, 21 seconds
Episode Artwork

“Foresight: Mayroon ba sila nito?” | Aired August 3, 2021

Kahalagahan ng Philippine Genome Center laban sa banta ng Delta variant. Bakit kailangang manawagan ng donasyon mula sa pribadong sektor, wala bang pera ang gobyerno? #ThinkAboutIt
8/3/202118 minutes, 14 seconds
Episode Artwork

Sino ang Balakid? | Aired July 29, 2021

Bakit hindi maipasa ang National Land Use Act?
7/29/202116 minutes, 32 seconds
Episode Artwork

Rapid Antigen Test | Aired July 22, 2021

Kahalagahan ng mass testing
7/22/202112 minutes, 5 seconds
Episode Artwork

Delta Variant, Alis! | Aired July 20, 2021

Delta variant, go, go, away! Paano malalaman at mapaghahandaan ang banta ng Delta?
7/20/202110 minutes, 35 seconds
Episode Artwork

Breaking the norm in Philippine elections | Aired July 15, 2021

Iconoclastic? What is that? Mai-aapply rin ba iyan sa mindset ng mga botante? Sana naman ‘di ba?
7/15/202112 minutes, 23 seconds
Episode Artwork

Mga Paru-Paro sa Gubat | Aired July 13, 2021

Change of plans? Change of hearts? Simula na ba ng balimbingan, lipatan, at pasiklaban para sa darating na eleksyon?
7/13/202113 minutes, 16 seconds
Episode Artwork

Isyu sa Bakuna Card | Aired July 8, 2021

Mukhang walang group chat ang IATF sa mga LGU dahil bumulaga sa kanila ang bagong protocol na puwede na ang vaccination card sa pagta-travel, pero 'yun nga, sabay, binawi! Kailan na ba talaga ang uniformed vaccination card at certificate na iyan? For more videos, visit us at www.news5.com.ph.
7/8/202117 minutes, 56 seconds
Episode Artwork

Pera Para Sa Bakuna | Aired July 1, 2021

It’s all about the money, money nga ba kaya more, more utang at pondo para sa bakuna?
7/1/202112 minutes, 28 seconds
Episode Artwork

Listahan ng Basura, Nasaan Na? | Aired June 29, 2021

Basura rito, basura roon. Bakit tambak ang basura? Dahil ba basura rin ang mga namumuno?
6/29/202115 minutes, 9 seconds
Episode Artwork

Face Shield: Laban o Bawi? | Aired June 24, 2021

Laban, laban o bawi, bawi pero hindi ka mapapa-get get awwww sa pabago-bagong desisyon tungkol sa pagpapatupad ng pagsusuot ng face shield.
6/24/202112 minutes, 4 seconds
Episode Artwork

Ano Ba Talaga IATF? | Aired June 22, 2021

Ikaw ba’y nalilito o nahihilo na sa mga regulasyon ng IATF?
6/22/202112 minutes, 4 seconds
Episode Artwork

Carousel sa EDSA, Masaya Ba? | Aired June 17, 2021

‘Di ba dapat merry pakinggan ang carousel? Pero para sa mga bus operator at commuter eh tila isa itong disaster?
6/17/202115 minutes, 27 seconds
Episode Artwork

Partido-Politiko | Aired June 15, 2021

Makulay na kasaysayan ng PDP-Laban, may saysay pa ba sa kasalukuyan? Sa tila pagkakagulo sa partido, mapapatanong ka talaga ng “anyare sa inyo?”
6/15/202114 minutes, 35 seconds
Episode Artwork

One Grid o One Greed? | Aired June 10, 2021

Tol naman, napapadalas na ang rotational brownout! Dapat one grid 'di ba? Bakit tila “one greed” ang nangyayari sa mga nagre-regulate sa power distribution?
6/10/202119 minutes, 47 seconds
Episode Artwork

National “Greed” Corporation? | Aired June 8, 2021

Lagi na lang bang goodbye sa power supply dahil naging pabaya ang NGCP?
6/8/202119 minutes, 31 seconds
Episode Artwork

Care To Take Care of Mother Nature? | Aired June 3, 2021

Puro pangako, puro pagkabigo? Wapakels nga ba ang gobyerno para ma-save si Mother Earth?
6/3/202118 minutes, 36 seconds
Episode Artwork

Pondo Pa More, Pending Pa More? | Aired June 1, 2021

Billions ang figures, sakit sa bangs! Pero ang tanong: pondong nakalaan, nagagamit ba sa tamang paraan? Pakinggan ang words of wisdom ni Manong Ted sa isyung ito.
6/1/202115 minutes, 4 seconds
Episode Artwork

Ayuda Pa More, Utang Pa More? | Aired May 27, 2021

Oh, akala mo bongga iyong ayudang ipinamigay sa iyo? Naku, babayaran mo rin iyan. Ayuda pa more, utang pa more! 'Yan ang isyung tinalakay today ni Manong Ted.
5/27/202112 minutes, 49 seconds
Episode Artwork

Sana All, China All sa WPS | Aired May 25, 2021

So ito na nga mga Kapatid, bakit nga ba super interested ang China sa South China Sea o West Philippine Sea? Dahil ba sa mga likas na yaman doon? Your guess is good as mine! Talagang mapapa-#ChinaOil ka talaga, 'di ba Manong Ted?
5/25/202116 minutes, 14 seconds
Episode Artwork

Arbitral Ruling at West Philippine, See? | Aired May 20, 2021

Guys, sa ating Think About It ngayong araw, tinalakay ni Manong Ted ang pakinabang na nakukuha ng bansa mula sa pagkapanalo sa arbitral ruling at paano ito nagagamit para ilaban ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
5/20/20217 minutes, 40 seconds
Episode Artwork

GCQ na ulit guys! Kelan ba tayo makaka-move on sa pandemic? | Aired May 18, 2021

Mga tropa! From a scale of 1 to sawa, gaano ba kabilis ang pagtugon sa pandemya para muling umusad ang ating bansa? 'Yan ang isyung tinalakay ni Manong Ted ngayong araw. Mamaya na mag-comment, makinig muna.
5/20/202117 minutes, 22 seconds