Basta solid ‘to. Usapan, ambagan, at katatawanan. Welcome ang lahat na makinig! Kung ayaw niyo, e di don’t. Follow niyo din ang Instagram ng Kabulastugan - @kabulastugan.
Kabulastugan x Linya Linya Show
Inimbitahan ako ni lodicakes Ali ng Linya Linya PH para makipagchikahan tungkol sa pagiging anonymous (ko) sa gitna ng pagiging tanyag ng aking page sa pagpost ng memes at humorous content. Pati na rin yung Oscar's bardagulan featuring Will Smith at Chris Rock! At sa pagkakaroon at pag-maintain ng friendships sa gitna ng pandemya. Basta marami pakinggan niyo nalang! I-check niyo rin ang Spotify page niya.
4/19/2022 • 49 minutes, 4 seconds
Kiefer Ravena yarn
The Phenom is in da haus, yo! Nag-uulat mula sa Japan - Kiefer Ravena basketbolista sa sikat na sikat sa Japanese pa-liga! Sa episode ngayon, nakakwentuhan ko si Kiefer tungkol sa kanyang mga adventures sa paglalaro abroad, at kung kamusta na ang takbo ng kanyang karera sa larangan ng sports. Syempre, di ko na rin pinalagpas ang mga kabulastugan moments na nagawa nya in and out of the court
12/22/2021 • 37 minutes, 13 seconds
Miko Livelo at Mihk Vergara yarn
Cultured tayo e kaya andito ngayon ang mga magagaling na rekdi na si Miko Livelo at Mihk Vergara! Nanalo sila recently ng Audience Choice Awards sa QCinema para sa short film nilang Mighty Robo V na talaga namang v v good. Dito sa episode na to, si Miko at Mihk ay nagkwento tungkol sa mga adventures nila sa entertainment industry at paano ito naging stepping stone sa pag gawa nila ng isang obra. O ha deep words yarn
12/12/2021 • 42 minutes, 4 seconds
Tarantadong Kalbo yarn
Isang mangguguhit na malupit ang nandito ngayon sa episode na 'to! Tarantadong Kalbo in da haus, yo! Patok na patok ang mga comics niya on social media kaya naman natanong ko lang siya ng slight patungkol sa creative katarantaduhan process. May tungkol din sa ibang bagay na I’m sure makakarelate ka. Para sa mga inspiring at frustrated artists dyan, what’s not clicking kundi ka pa nakinig?! Chz
12/6/2021 • 46 minutes, 3 seconds
Angelica Panganiban yarn
Finally, nakadalo na din sa Kabulastugan House of Fun si Angge! Walang ng intro-intro. Since may loyalty award na siya sa Showbiz, nagshare siya tungkol sa mga gusto pa nyang ma-achieve in life at tidbits tungkol sa mga experience niya sa taping. In fairness dito, daming dagdag na kaalaman na makukuha. Let’s welcome, the timeless beauty, Angelica P! Boom!
11/29/2021 • 38 minutes, 22 seconds
Erik Matti yarn
Saan ba humuhugot ng creativity ang isang d' one and d' original Erik Matti? Kaya ko talaga naimbitahan si direk kasi gusto ko makakuha ng inspirasyon at lakas mula sa isang batikan na sa industriya. Baka makakuha din kayo ng ideas - malay niyo maisip niyo ang next biggest action film na punong puno ng sumasabog na van na ginamit pang kidnap sa isang barkada na dapat ay magbebeach pero di sila nakinig sa matandang babae na sinabing wag na sila tumuloy. BOOM LAKAS YARN!
11/22/2021 • 32 minutes, 54 seconds
Fonziru
Sa mga Tiktokerist dyan, this one is for you! Napadayo na din natin ang isang Tiktoker na umangat sa kasikatan lately na si Fonziru! Kasabayan ko 'to eh, sa pagsimula ng paggawa ng content and sa ka gwapuhan din. BTW ha buong recording namin, hawak ni Fonz yung mic niya. BOOM, share na yarn!
11/17/2021 • 43 minutes, 2 seconds
Neil Arce
Kung di niyo pa masyadong kilala si Neil, pwes eh di makinig na kayo dito! Si Neil Arce lang naman ay isang film producer, writer, at entrepreneur. BOOM LAKAS! Tara, samahan niyo ko mga bata at makinig tungkol sa kwento ni Neil kung paano siya napadpad sa mundo ng paggawa ng pelikula! Nagbigay din siya ng tips kung paano ba hindi maligaw sa landas papuntang Friendzone. Uyyy makikinig na yarn...
11/9/2021 • 53 minutes, 19 seconds
CJ de Silva-Ong
Alam nating basta ka-Kabs, gifted sa humor. Pero ang guest natin today ay tunay na gifted child at isa sa mga kilalang Promil Kid noong araw - si CJ de-Silva Ong! Isa siyang art director, painter, illustrator and graphic designer, at dito nakipag kwentuhan kami tungkol sa kanyang craft and ano ba ang mga real-life horror stories na na-experience niya, may mumu man o wala. Listen now baka may dumagdag sa brain cells niyo, try lang!
10/30/2021 • 1 hour, 13 minutes, 7 seconds
Hershey Neri
Masarap kumain ng Hershey's Kisses, pero mas masaya kausapin si Hershey Neri! Isa siyang TV Host, Artist, and Psych MA student na palong palo ang content niya sa social media. Nagkwento siya tungkol sa dedication niya magbigay tawa sa tao sa palidig niya, and kung paano niya ginagamit ang social media platforms niya for her advocacies. Listen up yo kasi inspiring talaga 'to. Share niyo din for extra good vibes.
Trigger Warning: This episode tackles healing from trauma. The content includes sexual harassment and abuse. If you feel that you need mental health support, you may contact the National Center for Mental Health at 0917-889-727.
10/27/2021 • 51 minutes, 24 seconds
Sam YG
Isang Radio DJ, Host, Podcaster, Influencer, at Ultimate Papi na si Sam YG ay ang guest for this week! YUN O! Di lang puro kalokohan ang makukuha natin sa pool of knowledge ni Papi - madami din siyang ambag sa kung paano ba maging master sa iyong chosen craft and maging always on top of your game. Boom! Wisdom yarn!
10/11/2021 • 43 minutes, 20 seconds
Jai Cabajar
The doctor is in! Yown o Jai Cabajar is in the Kabulastugan House of Fun. Alamin natin kay Doc Jai paano ba ang buhay ng isang medical frontliner sa panahon ng pandemya. This episode is dedicated sa lahat ng mga frontliners nating Pinoy, at sana tatagan niyo ang mga loob niyo. Bayani yata yarn!
10/4/2021 • 50 minutes, 30 seconds
Red Ollero
Ang People's Champ ng comedy ay nandito na! Writer na, podcaster na, actor pa - Red Ollero mga ka-Kabs! Natuwa talaga kami sa episode na 'to dahil ang daming ambag ni Red na kwento tungkol sa journey ng kanyang self. Allowed kayong matawa at ma-touch sa episode na 'to. Allowed din kayong i-share 'to tapos tag niyo @kabulastugan and @comedybyred
9/28/2021 • 51 minutes, 47 seconds
Xian Lim
Tall, chinito, and handsome ang profile ng guest natin ngayon na si Xian Lim. Alamin ang origin story niya kung paano nga ba siya nagsimula sa showbiz (at dito sa Pinas!). Alam niyo ba na bago siya naging artista, hooper talaga siya? O di niyo alam yon no - kasi di niyo pa napapakinggan itong episode.
9/20/2021 • 51 minutes, 21 seconds
Sen. Risa Hontiveros
Minsanan lang na may napadaan na extra kagalang galang guest kaya naligo and nagtoothbrush ako para lang sa episode na 'to. Sen. Risa Hontiveros is here in the Kabulastugan realm and syempre nag-getting to know kami on a personal level, and on a national level. Kung may mapulot kayong aral dito, share niyo sa stories tapos tag niyo @kabulastugan. Palautos yarn??
9/11/2021 • 33 minutes, 29 seconds
Pooh
Akala niyo ba e mauubusan kami ng sakalam na guest dito? Nagkakamali kayo! San ka pa nakakita ng may sariling bitbit na sound effects yung guest? Dito lang yan sa podcast na to! Pakinggan niyo si Pooh dahil hindi lang tawa ang takeaway sa episode na to, kabag din. Tita Winnie, sana nakikinig ka. This one is for you.
9/4/2021 • 45 minutes, 23 seconds
Louise delos Reyes
Kinamusta namin si madam actress, video game streamer, and model Louise delos Reyes dito sa episode na to dahil may bago syang ganap ngayon! New movie, o ha! Not just a pretty face itong si Louise kasi underneath that beauty, meron syang angking galing at big brain. Alam niyo bang toy collector din siya? Nakaka-inspire syang kakwentuhan kaya sana kayo din mainspire sa pakikinig nito. Share this episode because sharing is caring. And we care. like the care bears.
8/28/2021 • 46 minutes, 53 seconds
Mo Twister
Magbigay pugay sa OG Pinoy Podcaster na si Mo Twister! Syempre kinulit namin sya tungkol sa life before podcasting was c00L sa Pilipinas, at paano niya napahaba… ang kanyang career di lang sa podcasting - pati na din sa radio. Kinig na kayo dito, lalo na kung isa kayo na 10 million na nagstream ng GTWM Ellen Adarna episode!!
8/22/2021 • 38 minutes, 57 seconds
Macoy Dubs
Ola mga ka-Kabs! Isa nanamang panauhin ang nandito ngayon at ito ay walang iba kundi si Macoy Dubs! Kilalanin natin siya sa kanyang mga hilig in life, at ang kwento sa proseso ng pag gawa niya ng content online. Pakinggan natin si Macoy - share niyo na din tong episode kasi wala lang, sabi ko eh.
8/16/2021 • 46 minutes
Herbert Hernandez
ECQ nanaman tayo mga ka-Kabs kaya eto isang episode para samahan kayo sa lockdown. Si Herbert Hernandez ang ating malupit na panauhin today. Isa siyang gitarista, ad agency founder, at tao na may napakamalikhaing isip! Makinig kayo sa kwento ni Herbert kung paano ba sya gumagawa ng mga intense na concepts. Baka may mapulot kayo dito.
8/10/2021 • 42 minutes, 18 seconds
Aryn Cristobal
Whattaweek mga mehn! Umariba tayo sa Olympics, kaya umariba din kami dito sa pod. Aryn Cristobal here mga mamsir! Siya ay isang actress, singer, comedian, host, at improviser. BOOM not just a pretty face yarn! Kinig kayo kung paano ba ang improv life and things as such and all dat.
8/2/2021 • 38 minutes, 59 seconds
Victor Anastacio
O ayan Season 2 agad agad walang pasabi walang anything! Unang bisita natin dito si Victor Anastacio - actor, comedian at recording artist. Akalain niyo yon?? Listen in sa kanyang mga tidbits tungkol sa buhay ng isang comedian - mapa ha hatdog man or serious!
7/24/2021 • 36 minutes, 3 seconds
Luis Manzano
Lapag lang kami ng bigatin na guest para sa season ender! Luis Manzano in da hauz, yo! Kahit kilala ko na siya, mas kinilala ko pa ang meme master na 'to para lang sa inyo. Dami kong tanong sa kanya, at madami din siyang sagot so pakinggan niyo yun lahat.
7/10/2021 • 46 minutes, 35 seconds
Direk Marius Talampas
Isa nanamang award-winning human being ang bisita natin dito sa Kabulastugan The Podcast! Ang Direk ng mga nakikita niyong RC Cola ads na talaga namang nakaka-haha ha??? at ng pelikulang Ang Pangarap Kong Holdap ay nandito para mag share tungkol sa thought process nya sa pag iisip ng mga funny scenes at ideas. Kinig kayo para makuha namin ang Top 69 place sa charts!
7/5/2021 • 36 minutes, 1 second
Ramon Bautista
Nandito ngayon ang isang OG sa online kakwelahan, ang internet action superstar na si Ramon Bautista para makipag kwentuhan satin about sa mga things at bagay! Alam ko marami sa inyo nakasubaybay sa kanya mula noon pa, kaya kinig na mga mamsir.
6/26/2021 • 28 minutes, 14 seconds
Bela Padilla
What’s up na ba sa life ni Bela Padilla? Sobrang big brain netong actress, writer, producer, director, and host kaya makinig kayo sa kanyang life update dito sa episode na to. Arat na!
6/19/2021 • 38 minutes, 10 seconds
Ali Sangalang
Eto na eto na, isang malupit na guest ang meron kami today! Ali Sangalang na sobrang big brain - siksik liglig sa creativity kaya naman ang ganda talaga ng Linya Linya shirts at Linya Linya Show. Listen up, yo!
6/12/2021 • 33 minutes, 56 seconds
Dora Dorado
Sana ok ka lang kasi yung guest namin na radio jock, dancer, at online personality Dora Dorado aka Dora Crybaby ay oks na oks! Listen in para malaman niyo ano ba ang ine-explore ngayon ni Dora. Come on vamanos!
6/4/2021 • 30 minutes, 13 seconds
James Caraan
Paano nga ba nagsimula ang isang James Caraan? Chill lang kayo at turn up the volume para marinig ang kwento ni James sa journey niya sa Comedy Manila at sa podcast nila na Kool Pals. Follow niyo ang Kabulastugan sa Instagram, sige na.
6/1/2021 • 47 minutes, 23 seconds
Jerald Napoles
BOOM, yun oh! Sinamahan tayo ni poging actor and comedian Jerald Napoles sa una nating episode. Binigla niya kami dit sa recording, pero sulit naman ang pressure. Naligo ako para lang sa episode na ‘to. Follow Kabulastugan on Instagram!
5/28/2021 • 35 minutes, 3 seconds
Welcome to Kabulastugan The Podcast!
BOOM! Eto na, eto na! May podcast na ang Kabulastugan! Welcome ang lahat na makinig dito. Purely good vibes lang - walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, katatawanang totoo lamang!