Linya-Linya founder and writer Ali Sangalang host this comedy-na-may-kabuluhan show based on the daily experiences of Filipinos. Imagine being with your own Pinoy barkada, with endless kwentuhan, kulitan, and hiritan-- plus loads of laughs, tons of puns, and nuggets of wisdom. Yeah! This is the Philippines. Join the fun-- like our Facebook page, fb.com/thelinyalinyashow; follow us on Instagram @thelinyalinyashow; or tweet us @linyalinya with the hashtag #TheLinyaLinyaShow
279: Hinggil sa hiwalayang KathNiel w/ LJ Sanchez
Nitong nakaraang linggo, nagulantang ang buong sambayanan sa isang mabigat na balita: Naghiwalay na ang KathNiel, ang 11 taong tambalan sa harap ng camera at sa totoong buhay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Maraming naging usap-usapin, kaya kinailangan din nating lapitan ang Associate Professor sa College of Mass Communication, University of the Philippines Diliman, at eksperto sa Kulturang Popular na si Sir LJ Sanchez.
Ano nga ba ang simulain ng tambalang ito, kasabay na ng iba pang love teams? Paano sila lumaki at sumikat, at ano naman kaya ang naging posibleng mitsa ng kanilang hiwalayan? Ano’ng sinasabi ng mga pangyayari sa tambalang ito, sa kalakhang lipunan at kultura nating bilang mga Pilipino?
Isang deep-dive, tangka para mas maunawaan ang KathNiel phenomenon, at isang mahigpit na yakap ang episode na ito, KathNiel fan ka man o hindi. Samahan niyo kami ni Sir LJ, habang umiinom ng tsaa.
Listen up, yo!
12/7/2023 • 1 hour, 14 minutes, 13 seconds
278: Pagbabalik-tanaw at Pagtanaw sa Pagbabalik w/ BLKD Part 2
Isa si BLKD sa mga pinakahinahangaang battle emcees sa FlipTop Battle League, hindi lang ng mga tagasubaybay nito, ngunit maging ng battle rappers mismo. Nakilala sya sa kanyang matatalim na kataga, mahuhusay na paglalaro sa salita, at matatalinong anggulo laban sa kanyang mga katunggali.
Pagkatapos ng kanyang mahaba-habang pamamayagpag sa FlipTop, matagal-tagal din siyang naging tahimik sa eksena. Marami na nga ang naghahanap (at naghahamon) sa kanya.
Sa natatanging episode na ito, umupo si BLKD kasama si Ali upang magbalik-tanaw sa kanyang simulain at naging paglalakabay sa mundo ng Hip-Hop at FlipTop; ang kanyang mga napulot na aral at karanasan, kabilang na ang mga pagkakapatda at pagkakadapa; ang malikhaing proseso at pagbuo ng kanyang obrang album na Gatilyo; ang kanyang lagay sa kasalukuyan at mga inaabangan sa hinaharap.
Natawid na ang harang, at nandito na nga si BLKD.
Tara. Listen up ‘yo!
12/4/2023 • 1 hour, 7 minutes, 1 second
277: Pagbabalik-tanaw at Pagtanaw sa Pagbabalik w/ BLKD
Isa si BLKD sa mga pinakahinahangaang battle emcees sa FlipTop Battle League, hindi lang ng mga tagasubaybay nito, ngunit maging ng battle rappers mismo. Nakilala sya sa kanyang matatalim na kataga, mahuhusay na paglalaro sa salita, at matatalinong anggulo laban sa kanyang mga katunggali.
Pagkatapos ng kanyang mahaba-habang pamamayagpag sa FlipTop, matagal-tagal din siyang naging tahimik sa eksena. Marami na nga ang naghahanap (at naghahamon) sa kanya.
Sa natatanging episode na ito, kasabay ng anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio, umupo si BLKD kasama si Ali upang magbalik-tanaw sa kanyang simulain at naging paglalakabay sa mundo ng Hip-Hop at FlipTop; ang kanyang mga napulot na aral at karanasan, kabilang na ang mga pagkakapatda at pagkakadapa; ang malikhaing proseso at pagbuo ng kanyang obrang album na Gatilyo; ang kanyang lagay sa kasalukuyan at mga inaabangan sa hinaharap.
Natawid na ang harang, at nandito na nga si BLKD.
Tara. Listen up ‘yo!
11/30/2023 • 53 minutes, 20 seconds
276: Gets Ka Namin! w/ Krishna and Drew
Iba talaga ang feeling pag gets ka ng mga tao. Pag kuha nila 'yung humor o kung ano ang sinasabi mo. Kaya sa ating latest effisode, pinagusapan ng trio nila Krishna, Drew, at Ali kung ano nga ba ang kahulugan ng "Gets Ka Namin!"
Isang masayang kwentuhan at nakakatuwang usapan na naman sa ating #GetsTogether, kaya listen up 'yo na!
11/26/2023 • 23 minutes, 59 seconds
274: What's the Big Fuzz? w/ Kyle Quismundo [VIDEO]
Sa bagong episode ng The Linya-Linya Show, maghahatid kami ng malupit na tawanan at kwentuhan kasama si Kyle Quismundo! Kasama niya sa usapan ang mainit-init na topic: ang bagong negosyo ng barkada, ang "Big Fuzz" kasama ang ating podcast superstar! Tara, makipag-tsikahan tayo tungkol sa mga malalalim na usapan tungkol sa buhay, at syempre, ang mga di malilimutang kwentong inuman!
Makakakuha ka ng tips sa mixing ng drinks at mga kwento ng kalokohan kasama si Kyle, kasabay ng pagtuklas sa Big Fuzz, ang bagong kalokohang negosyo!
Listen up 'yo na! Kaya't mag-ready na ng iyong favorite drinks, i-invite ang mga kaibigan, at maki-join sa kasiyahan ng Big Fuzz at The Linya-Linya Show!
11/14/2023 • 1 hour, 21 minutes, 38 seconds
273: Tapang at Katotohanan sa Panahon ng Pagpatay w/ Patricia Evangelista [VIDEO]
Hindi sikreto ang mga nangyaring patayan at pagpatay noong nakaraang administrasyon. Noong mga panahong iyon, laman ito ng mga balita. Sa harap nito, at sa kabila ng panganib na dala ng pagtatala at paghahayag ng mga nangyari, may matatapang na journalists na on-the-ground kinakalap ang masasaklap pero totoong mga kwentong ito– mula mismo sa mga biktima, pati na ang mga naging bahagi ng mga pagpaslang.
Sa ikalimang taon ng #TheLinyaLinyaShow, mapalad tayong makasama at makausap ang Filipina writer, trauma journalist, former investigative reporter for Rappler, at ang author ng recently launched and widely acclaimed book na “Some People Need Killing: A Memoir of Murder in My Country” na si Patricia Evangelista.
Tungkol sa karanasan at proseso ni Pat bilang isang manunulat at mamamahayag. Tungkol sa pagkalap at pagbabahagi ng kwento– sa parehong written and visual storytelling. Tungkol sa papel ng journalism sa mundo. Tungkol sa tapang. Tungkol sa paglalahad ng katotohanan.
11/9/2023 • 1 hour, 24 minutes, 25 seconds
272: The Lima-Linya Show: Hear for it Live Podcast w/ Ranze & Jed
Akalain mo ‘yun!?
Limang taon na ang kulitan at kwentuhan, mula sa mga araw-araw na buhay hanggang sa mga pinaka-pinahahalagahan nating mga bagay. Nagkaroon na ng pandemya, bumalik na sa ating opisina't silid-aralan, na-traffic na ulit, hanggang sa ang dating Zoomustahan online ng Fellow-22s ay naging F2F Christmas Party na rin! Ang dami na nangyari sa loob ng limang taon-- mula sa pagbabasa ng maiikling kwento sa loob ng kwarto, umabot na nga sa Glorietta ang entablado! BOOM!
Samahan niyo kami sa isang mabilis na trip down memory lane kasama ang dalawa sa OG fellow-22s na sina Ranze Calderon at Jed Violeta, sa special live pod episode sa Hear For It: The First Podcast Festival in the PH with Anima Podcasts!
Listen up ‘yo! It’s the Lima-Linya Show!
11/6/2023 • 31 minutes, 47 seconds
270: HARDCORE HIPHOP & REAL TALK w/ ANYGMA (Part 2)
Para sa Round 2, mag-ingay para kay Anygma!
Kasama pa rin natin ang founder ng world’s most-viewed rap battle league na FlipTop, at co-founder ng independent record label na UPRISING– si Alaric Yuson!
Ito na ang last part ng ating no-holds-barred kwentuhan. Samahan niyo kami sa isa pang solid na oras ng real talk at deep dive sa mundo ng hiphop at iba pang mga pananaw sa buhay!
Listen up ‘yo!w
#TheLinyaLinyaShow
Panahon na naman ng katatakutan, pero para sa ating mga Fellow-22s, parang hindi multo ang nakakatakot? Bukod sa mga utility bills na due date na, ano pa nga ba?
Kasama natin ang mga OG Fellow-22s, at close friends natin, na sila Krishna Amar at Drew Beso para sa isang effisode na puno ng kwentong katatakutan tungkol sa dating and relationships! BOOOOM!
'Wag palagpasin ang #GetsTogether ng tatlong magkakaibigan dahil #GetsKaNamin!
Listen up 'yo na!
Paano nga magmi-meet halfway ang pagiging creative at pagiging business-minded? Saan ba nagkakatugma ang kulit at pagiging seryoso? At ano nga ba ang Creative Entrepreneurship?
Pinag-usapan lahat nang ‘yan sa ating latest effisode kasama ang award-winning writer, podcaster, and now the head of Partnerships and Business Development ng PumaPodcast – Ceej Tantengco-Malolos! BOOOOOM!
Listen up ‘yo!
Stressed? Sobrang pressured na sa buhay?
Normal lahat ng nararamdaman natin about pressure, ang kailangan natin ay kung paano ba ito i-manage.
Umuwi ulit ang ating podcast superstar sa bahay nila at muling nagkaroon ng kwentuhan sa kanyang daddy at daddy na rin ng lahat ng Fellow-22s - Engr. Rene Sangalang! BOOOOM!
Isang buong effisode na naman ng masterclass about managing pressure and stress mula sa ating sensei. Listen up ‘yo na!
10/13/2023 • 30 minutes, 42 seconds
266: HIKE, NAKO! 5 types of hikers sa gabundok na stress w/ Reich Carlos
Sa harap ng dambuhalang tasks at gabundok na trabaho araw-araw, mapapasigaw na lang talaga tayo ng… HIKE, NAKO!
Sa special effisode na ‘to, samahan niyong maglakbay ang partners-in-climb na sina Ali at Reich sa pagtukoy nila sa iba’t ibang klase ng hikers, sa pag-akyat at paglampas nila sa iba’t ibang bundok ng challenges sa everyday work and life. Mula sa literal na weekend climbers, pinakilala rin nila ang iba pang hikers na binubuno at nilalabanan ang bundok-bundok na trabaho at halimaw na traffic sa daan!
Siguradong makaka-relate ang marami habang tumatawa, kikiligin at ma-iinspire sa mga kuwentong hiking sa loob at labas ng trail– kasama ang crunchy, chewy, fresh na Mentos!
Listen up ‘yo!
10/6/2023 • 54 minutes, 57 seconds
263: The Power of Collaboration w/ Syke
Listen up ‘yo! It’s the Linya-Linya Show! BOOOOOM!
Sa lahat ng fellow-22s, isa sa pinaka-pamilyar na linya ang intro sa rap song na lagi nating napapakinggan. Ngayon, sa ating pinakabagong effisode, kasama natin ang isa sa pinakamtinding rapper, makata, at spoken word artist ng bansa, at ang boses sa likod ng pamilyar na intro ng rap ng #TheLinyaLinyaShow– si SYKE!
Tutuklasin natin kung paano nagsasama ang mga tao sa likod ng collaborations para makabuo ng makubuluhang mga obra. Makinig sa mga kwento, karanasan, at mga bagong inspirasyon sa proseso ng pagtutulungan. Tunay na may impact ang pagbubuklod ng iba’t ibang mga alagad ng sining at ito'y hindi ninyo dapat palampasin. Mag-tune in sa bagong episode ng 'The Linya-Linya Show' kasama si Syke!
Listen up ‘yo!
9/18/2023 • 52 minutes, 25 seconds
262: Paano ba maging mabuting tao sa isang malupit na mundo? w/ Bianca Gonzalez-Intal
Marami akong naiisip na mahihirap na tanong tungkol sa buhay. Isa na rito ang: Paano ba maging mabuti, o mananatiling maging mabuti, sa mundong tila tinutulak tayong maging malupit at masama, para lang maka-survive o mag-succeed in life?
Sama-sama nating itanong: PAANO BA ‘TO?! Buti na lang, ang kasama natin today, award-winning television host, model, podcaster, mother, Filipina– si Super Bianca Gonzalez-Intal. BOOM!
Sulit ang bawat sandali– muni-muni at kwentuhan tungkol sa integrity, sa philosophy, sa pagkakabuti at sa pagpapakatao.
‘Wag na rin sayangin ang sandali at pakinggan na ang ating collab and crossover episode! Pakinggan din ang kasunod na episode sa Paano Ba ‘To: The Podcast!
Listen up ‘yo!
9/9/2023 • 54 minutes, 15 seconds
261: How to have self-control over budols w/ Salve Duplito
Da save? O Dasurv?
I-add-to-heart na ang bagong effisode natin, kasama ang TV and News personality, registered financial planner, journalist, development worker, good governance activist, education & reading advocate, content creator, superwoman at superfriend, SALVE DUPLITO! BOOM!
Dalawang taon na ang lumipas mula noong unang guesting ng financial guru na si Salve sa #TheLinyaLinyaShow at ngayon, nagbabalik siya para tulungan tayo i-discern ang mga budol finds at sa mga deserve nating bagay! Paano na nga ba tayo makaka-save at makapag self-control sa pagbili ng kung ano-ano? Hmm, sama-sama tayong matuto!
Listen up ‘yo na!
8/31/2023 • 56 minutes, 4 seconds
260: Music and Guitar Picks w/ Chino Singson & Carljoe Javier
Music lover? Yes? Sakto!
Pinag-usapan, pinagkwentuhan, at muntik nang maging Music 101 ang ating bagong effisode kasama ang lead guitarist ng The Itchyworms na si Chino Singson (all the way from Canada!) at ang semi-regular guest at CEO ng PumaPodcast na si CarlJoe Javier!
Iba’t ibang kwento ng musika– mula music influences, joy ng pagtugtog, hanggang sa effect ng technology sa music! Makinig at sumama sa sobrang sulit na kwentuhan about anything at everything muuuusiiic, kasama ang hosts ng Chino and Carl’s Guitar Picks! Listen up ‘yo!
8/24/2023 • 1 hour, 36 minutes, 58 seconds
259: Ganito kasi ang Gen-Z w/ Jacob & Lance of Ganito Kasi ‘Yan Podcast
Paninindigan natin ang pagiging Fellow-22 sa bago nating effisode! As a fellow-Gen Z and young millennial, kasama natin ang isa sa Mr. Q and A Grand Finalist, isang striving scholar from Rizal, hosts ng Ganito Kasi ‘Yan podcast-- sina Jacob Maquiling and Lance Arevada! BOOOOOOOM!
Tungkol sa cancel culture, sa workplace, at sa iba pang kulturang ginagalawan ng young adults ngayon sa perspektibo ng Gen Z! Kilalanin, unawain, at yakapin ang generation na nagshe-shape ng society natin ngayon!
Listen up ‘yo na!
8/11/2023 • 1 hour, 9 minutes, 54 seconds
258: Reigning in Manila w/ Pio and Raymond of Lola Amour
Maulan pa rin at hindi pa tumitigil hanggang ngayon! Kaya naman, sa panibagong effisode natin, kasama natin ang dalawang members ng Filipino band that dabbles in the genres of modern rock, funk, and pop, at ang “dahilan” ng pag-ulan sa mga nakaraang araw - Pio and Raymond ng Lola Amour! BOOOOOOOM!
Alamin ang ibang side nila Pio and Raymond bukod sa pagbabanda at alamin ang kwento sa likod ng viral hit nila na “Raining in Manila”!
Sakto sa maulan na umaga, hapon, o gabi, kaya listen up ‘yo na!
8/3/2023 • 50 minutes, 21 seconds
257: GABI NA NAMAN w/ Ian, Milley, and Pau of GNN Productions
Maraming pangarap talaga ang nabubuo sa likod ng FX at Jolibee. Isa na doon ang pangarap nina Ian, Milley, at Pau– ang tatlong magigiting na nilalang sa likod ng Gabi Na Naman Productions!
Kwentuhan tungkol sa pagsisimula at pangangarap, sa musika at pagkakaibigan, at higit sa lahat, tungkol sa pinaka-hihintay na event ngayong taon– ang #LinyaLinyaLand2023! BOOM!
Makinig at samahan kaming tumawa, ma-inspire, at mangarap. Listen up ‘yo!
7/27/2023 • 50 minutes, 40 seconds
256: Minsan parang gusto ko na lang maging cactus w/ Doc Gia Sison [VIDEO]
Maulan na, pero habang nagdidilig si Ali ng cactus, may bisita ulit tayo sa ating #TheLinyaLinyaShow stud-yo!
Ano pa nga bang aasahan kundi isang nakaka-inspire at nakakapagbigay-pahinga na effisode ng #SaTotooLang with Doc Gia Sison!
BOOOOOOOM! Kwentuhan tungkol sa quiet quitting, honing, boundaries, at kung anu-ano pang lessons from a cactus. Kaya listen up ‘yo na!
7/20/2023 • 25 minutes, 34 seconds
255: PPop Revolution w/ 1st.One
Ang PPop ba ay OPM? O ang OPM ba ay PPop?
Kilalanin ang Pinoy Pop scene sa Pilipinas mula sa six-member P-Pop boy group that debuted last 2020 – sina Ace, Max, Alpha, Joker, J, and Jayson– ang nag-iisa at nangunguna, 1st.one! BOOM!
Kwentuhan tungkol sa kanilang grupo, sa eksena, kasama pa ang experience ni Ali sa isa pang sikat na PPop group. May nasali pa ngang tanong: Pwede nga ba si Manny Pacquiao maging part ng PPop? Lahat ‘yan, nandito sa bago nating effisode!
Power to the PPop, and listen up ‘yo!
7/14/2023 • 41 minutes, 13 seconds
253: E.A.T.’s SHOWTIME! Deep dive on Noontime Shows & Broadcast Networks w/ LJ Sanchez
Papapa parapapa… mula Batanes ikaw na nga! 🎶
Pagkatapos ng isang makasaysayang araw sa industriya ng telebisyon at noontime shows noong July 1, nakasama natin at nakakwentuhan ang award-winning poet, teacher, critic, at associate professor ng Broadcast Communication sa UP Diliman– si Sir LJ Sanchez!!! BOOOOOOOM!
Makinig na, kahit hindi tanghali, sa ating latest effisode sa makabuluhang deep dive ng mga palabas na kasama natin tuwing tanghalian!
Listen up ‘yo!
7/6/2023 • 1 hour, 24 minutes, 25 seconds
252: LITTLE SWISS PHILIPPINES w/ Kim Reyes
DID YOU KNOW na ang Swiss Miss, hindi pala gawa sa Switzerland? BOOM! Gulat ka ‘no? Kami rin! Magugulat din kayo sa ganda, saya, at pagka-heartwarming ng bago nating episode! Kwentuhang Switzerland at Pilipinas, pagiging Pinoy sa ibang bansa at pagiging Swiss sa Pilipinas, at ang halaga ng pagkakaibigan, gaano man kalayo ang pagitan.
Lahat ‘yan, kasama ang isang creative, resourceful, at highly motivated individual, who enjoys planning and decorating events (ayon sa kanyang LinkedIn profile, hehe); isang International Business Management graduate with Marketing Analytics Minor, at isa sa OG Linya-Linya fan at Fellow-22 – KIMBERLY REYES! BOOOOOM!
Catch up podcast effisode with a low maintenance friend. Listen up ‘yo!!
6/30/2023 • 40 minutes, 42 seconds
251: WALANG PRENO w/ Victor Anastacio
Non-stop, no-holds-barred, no breaks— parang nasa expressway na walang tollgate ang kwentuhan ng ating podcast superstars Ali and Vic!
Hindi nila kinailangang magpainit ng makina para sa episode na ‘to dahil humaharurot talaga ang usapan nila tungkol sa kotse, kotse, at marami pang kotse!
Alamin ang iba’t ibang kwento mula kay Tita (at sino ba si tita?!), sa bagong sasakyan ni Ali (si Harvey), at ilang tips para sa mga naghahanap ng brand new or second hand na sasakyan!
‘Wag mo papalagpasin ‘to, kaya humanap na ng drive para mag Listen up ‘yo!
6/27/2023 • 1 hour, 4 minutes, 42 seconds
250: Laking manual pero ‘matic magmahal w/ Stanley Chi
Ops, kung anuman ang ginagawa mo, preno ka muna. Sabayan nyo kami sa isang swabeng episode, na perfect pakinggan habang bumibiyahe, nagko-commute, o nasa roadtrip! Basta ingat lang, at mahirap magmaneho, o baka maka-distorbo, kapag tawa nang tawa! Haha!
Ang kasama natin today, isang comedian, cartoonist, TV host, columnist, book author, podcaster, car enthusiast, car vlogger– ang Suplado in the City, at ang nag-iisang Senpai ng Turbuhan– Mr. Stanley Chi! BOOM!!!
Kung saan-saan umabot ang usapan– mula simulain ni Stanley sa mundo ng advertising and marketing, hanggang sa maging public figure, sex symbol (wuw haha), mga kamukha nya sa industriya, sa pagmamaneho, at sa recent collab nya with Linya-Linya!Tara na, sakay na, and listen up, yo!
Malapit na ang FIBA World Cup at yes— Pilipinas ang Host! Titigil na naman ang mundo ng mga Pilipino dahil sa basketball. Kaya naman, nauna na kaming pag-usapan ang kinababaliwang sport ng mga Pinoy kasama ang New York Times Bestselling author, The Athletic staff writer, host of The Global Bounce Podcast, at Pinoy-by-heart hooper na si RAFE BARTHOLOMEW! BOOOOOOOM!
Siyempre, habang parehong nagdudugo ang mga ilong, nagkwentuhan na rin tayo with Rafe tungkol sa pandesal-cobra combo, bars, at kung anu-ano pang masayang experience ni Rafe sa Pinas!
Don’t miss this and get your head in the game! Listen up ‘yo!
6/2/2023 • 1 hour, 8 minutes, 40 seconds
180: CHARLES TUVILLA - Para sa mga kinakabahan sa parating na halalan
HALA-LAN! Kinakabahan ka na rin ba sa magiging resulta ng eleksyon? Hindi na maka-focus sa work at sa life? Huhu, samedt. Samahan niyo kami ng resident The Linya-Linya Show guest, friend, at dating kasamahan sa gobyerno na si Charles Tuvilla na labanan ang election anxiety at i-process ang thoughts and feelings sa mga nangyayari at mangyayari sa bansa. Panahon na nga ng pagpapasya. Ano'ng Pilipino at Pilipinas ang uusbong pagkatapos ng halalan?
Listen up, yo.
5/6/2022 • 36 minutes, 14 seconds
Episode 79: From Bahay to Buhay: Battling Uncertainty & Building Hope - Speech for the Closing Ceremony of St. Mary's Senior High School Batch '20
May 31, 2020-- naimbitahan si Ali bilang graduation speaker ng St. Mary's Senior High School Batch 2020. Originally, gaganapin dapat ito sa school campus sa Mandumol, Masasandig, Cagayan de Oro City. Pero dahil sa Covid-19 outbreak, isinagawa ito online, sa kauna-unahang virtual graduation ng skwela. Sa isang recorded video sa kanilang bahay sa Quezon City, ibinahagi ni Ali ang kanyang personal na mga karanasan, di lang sa buhay, kundi maging sa bahay, ngayong lahat tayo ay naka-lockdown. Paano nga ba natin titingnan ang sitwasyon na ito, at ano'ng magagawa natin? Saan tayo huhugot ng pag-asa, at paano natin tatanawin ang kinabukasan? Totoo nga: Marami tayong hindi magawa, pero marami pa rin tayong magagawa. Sa ngayon, graduating man, pa-graduate pa lang, o graduate na sa pagiging graduate: pakinggan muna ang special episode na ito! Share your thoughts @linyalinya on FB and IG, or join us at our exclusive FB group!
6/6/2020 • 25 minutes, 58 seconds
Episode 70: RIO ALMA #TulaSomebody
Tampok natin sa #TulaSomebody si Ginoong Virgilio Almario, National Artist for Literature, na kilala rin sa kanyang pen name na Rio Alma. Sampu sa kanyang mga tula ang binasa natin dito, mula sa iba't iba nyang libro, pati na sa kanyang Facebook page ngayon. Mula pag-ibig at paglisan, fake news at masasakit na katotohanan, hanggang sa mga karanasan ngayong nahaharap tayo sa pagsubok na dulot ng #Covid19-- makinig at makiramdam sa podcast poetry reading na ito ng #TheLinyaLinyaShow. Ibahagi ang inyong saloobin sa @linyalinya sa Twitter at Instagram.
4/15/2020 • 51 minutes, 28 seconds
Episode 68: 24-OLATS Flush Report #1 with KapaLinya Mike N. Ricketts
Huli ka na ba sa balita? Nandito na ang 24-Olats kasama si KapaLinyang Mike N. Ricketts at hatid niya ang mga balitang walang pinanggalingan, walang patutunguhan-- serbisyong tutong lamang.
Sa uling ng mga nagbabagang balita:
- Senador Kuko Pinentel, nag-shopping sa X&R, huli sa SISI-TV!
- Mayor Biko, nagpatikim ng mabuting liderato; ibang Mayor, nagmaasim!
- Stress-Con ng Pang-gulo, inabot ng 3-6 months bago umere! Istress nga!
'Yan at iba pang maliligamgam na balita sa ating Flush Report, dito lang sa 24-Olats!
Disclaimer: Ang palatuntunang ito ay isang satire, at hindi dapat ituring na totoo. Listener discretion is advised.
4/3/2020 • 8 minutes, 20 seconds
Episode 67: KJAH - Sa Pag-rap, sa Pagtula, at sa Pagharap sa mga Hamon ng Buhay
Ngayong naka-Enhanced Community Quarantine tayo, sinubok nating mag-guest while practicing social distancing. Sa pamamagitan ng web-based video conferencing, nakakwentuhan natin ang dating FlipTop Battle MC at ngayo'y full-time rap artist at makatang si KJah sa #TheLinyaLinyaShow! Napag-usapan namin ang buhay-rapper, ang pagkatha ng mga kanta, ang patula, at ang papel ng musika at literatura sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Sa unang pagkakataon, may kaakibat ding video ang ating episode, na maaaring panoorin sa Facebook page ng Linya-Linya-- facebook.com/linyalinyaph. Magkakalayo man tayo ngayon, magsama-sama tayo sa special episode na 'to and listen, listen up yo!
4/1/2020 • 1 hour, 42 minutes, 20 seconds
Episode 66: JERRY B. GRACIO #TulaSomebody
Ito na ang #TulaSomebody-- ang segment nating may sarili nang episode ngayon! Ang layon natin: makapagbasa at makapagbahagi ng mga tula’t akda mula sa ilang mga Pilipinong manunulat at makata. Sa paraang ito, sama-sama tayong mga KapaLinya, mga forever-22, na matututo, maaaliw, maiiyak, kikiligin, kikilabutan... makakaramdam. Ang pinaka-una nating feature: si Sir Jerry B. Gracio at ang kanyang mga tula mula sa librong Hindi Bagay. Tungkol sa pag-ibig, sa pagtitiwala, paghihintay, pagtataksil, at muling pagyakap sa minamahal-- makinig at makiramdam sa podcast poetry reading na ito ng #TheLinyaLinyaShow!
Downloadable ang PDF version ng isa pang libro ni Sir Jerry Gracio dito: https://drive.google.com/file/d/1oXAzK2SxhWtycTuYweAPEI-vm5N56cQq/view
3/28/2020 • 19 minutes, 10 seconds
Episode 65: Wake Up With Jim and Ali - On Work-Life Balance, Creative Pursuits & Self-Improvement w/ Jim Bacarro
Habang nasa Cebu for a business trip, Ali recorded an episode with his Linya-Linya business partner and good friend Jim Bacarro. Over hot tea, they talked about work-life balance, creative pursuits, and self-improvement. Ito na nga ang semi #WakeUpWithJimAndSaab x #TheLinyaLinyaShow podcast crossover (we missed you, Saab!) we've been waiting for. Podkids & fellow-22's unite and listen, listen up, yo! Ganda!
3/25/2020 • 56 minutes, 22 seconds
Episode 64: Kumain ka na ba talaga? Lingkod KapaLinya with Prof. Yol Jamendang
Sa panahong ito, mayroon tayong isang napakahalagang tanong: "Kumain ka na ba?"Mga KapaLinya, sadyang may mga bagay sa buhay na anumang pilit isipin, pag-aralan, at pagnilayan, ay hindi natin lubos na maintindihan. Halimbawa: pag-ibig. Bakit, sa tuwing...
3/18/2020 • 38 minutes, 48 seconds
Episode 63: Kumain Ka Na Ba? Kwentuhang Pagkaing Pinoy bilang Kulturang Popular Kasama si Prof. Yol Jamendang
"Kumain ka na ba?" Ito ang tanong ng nanay mo sa'yo pagkagaling mo sa school o sa opisina, ang tanong mo sa jowa mo (kung may jowa ka) para malaman kung magte-take out ka ba sa paboritong fastfood chain o sapat na 'yung binili mong milk tea, ang tanong mo sa dumating na bisita bilang pambungad kasi ayaw mo pang itanong kung bakit bigla siyang napadaan. Ito ang tanong ni Sir Yol, propesor ng Popular Culture, kasama si Ali para gutumin ang listeners, hindi lang sa pagkain, kundi maging sa kaalaman sa pagkaing Pinoy bilang kulturang popular. Kaya mag-drive thru na, magpadeliver, o pumunta sa karinderya o cafeteria, habang nakikinig sa inihain naming bagong episode ng #TheLinyaLinyaShow! Mainit-init pa! Share your food for thoughts @linyalinya on Instagram, & like and comment on our FB page!
3/11/2020 • 1 hour, 7 minutes, 2 seconds
Episode 62: Women in Sports and Women Empowerment with Ms. Ceej Tantengco
Paano tinitingnan ng lipunan ang kababaihan sa larangan ng sports sa Pilipinas? Sino-sino ang mga tinitingala nating women athletes noon at ngayon? Kwentuhang sports at kababaihan ngayong #WomensMonth sa #TheLinyaLinyaShow with writer, gender equality advocate, and #GoHardGirls podcast host and creator, Ms. Ceej Tantengco. Share your thoughts @linyalinya on Instagram!
3/4/2020 • 1 hour, 26 minutes, 42 seconds
Episode 61: Teleserye at Iba Pang Mukha ng Pinoy Drama w/ Louie Jon Sanchez
Nanonood ka ba ng teleserye o telenobela? Saan at paano ba nagsimula ang phenomenon na ito? Ano'ng klaseng aso nga ba is Fulgoso at ano namang nilalang si Kokey? Mula Marimar, Mara Clara, at Mula sa Puso, hanggang Daisy Siete, May Bukas Pa, at Ang Probinsyano-- samahan niyo sina Ali at ang propesor at makatang si Louie Jon Sanchez magpalipat-lipat ng channel sa special episode na ito tungkol sa Pinoy drama sa telebisyon. Share your thoughts @linyalinya on IG and Twitter!
2/25/2020 • 1 hour, 23 minutes, 8 seconds
Episode 60: How to Identify a Toxic Relationship w/ Doc Gia Sison
People tell us to avoid toxic relationships. Pero paano nga ba natin masasabing toxic ang isang relasyon? Paano ba tayo makakaiwas dito, o paano ito lalatagan ng solusyon? Sa hindi masyadong inaasahang pagkakataon, muling nagkasama at nagkakwentuhan sina Ali at Doc Gia, this time, sa isang foot spa sa mall. Pakinggan ang kanilang mga #FootForThought on this one-of-a-kind #SpaTalks kasama na ang isa na namang makabagbag-damdaming segment ng #LingkodKapaLinya. Tandaan: Pwede ang paa. Bawal ang paasa. Share your thoughts @thelinyalinyashow and use the hashtags #TheLinyaLinyaShow #MeForMe
2/19/2020 • 1 hour, 5 minutes, 12 seconds
Episode 59: NANLILIGAW O NALILIGAW? Usapang Self-Love this Valentine’s Season w/ Doc Gia Sison
It's Valentine's season, at ang lamig na ng panahon. Sa isa na namang pambihirang pagkakataon: Nagkasalubong ang landas nina Ali at Doc Gia Sison! Makisabay sa kanilang #WisdomWalk sa mall habang tinatalakay ang usapin ng self-love. Tara na't makitambay at nandito na ang first-ever live-recording podcast episode ng The Linya-Linya Show sa Linya-Linya Store SM Megamall! Share your thoughts and feelings @thelinyalinyashow on IG or @linyalinya on Twitter and use the hashtags #TheLinyaLinyaShow #MeForMe
2/12/2020 • 1 hour, 8 minutes, 11 seconds
Episode 58: Kung Paano Kakapit sa Pag-asa sa kabila ng Pagkawasak kasama si Sir Ediboy Calasanz
Dumaan ka na rin ba sa patong-patong na problema, at makagunaw-mundong pagkawasak? Sa panahong ito, saan tayo huhugot ng pag-asa at lakas na magpatuloy? Muling nagbabalik ang premyadong propesor ng Pilosopiya na si Sir Ediboy Calasanz para magpaliwanag, at magbigay ng liwanag. Follow us @thelinyalinyashow, use the hashtag #TheLinyaLinyaShow and share us your thoughts.
2/5/2020 • 29 minutes, 13 seconds
Episode 57: "Pilosopo ka talaga!" PHILOSOPHY 101 at Usapang Tao at Pagpapakatao kasama si Sir Ediboy Calasanz
Ano ba ang Pilosopiya? Ano ba ang pamimilosopiya? Bakit mahalaga ang pamimilosopiya? Marami tayong nalalaman, subalit mas marami pang hindi nalalaman. Ano ba itong "talaga"? Talaga bang walang-hanggan itong "talaga"? Talaga?
Ano'ng naaalala mo sa karakter ni Rizal na si Pilosopong Tasyo? Ano ang ibig-sabihin kapag sinabihan tayo ng matatanda noon ng "Pilosopo ka talaga!"? Sa bilis at gulo ng mundo, may oras ka pa kaya para sa mga tanong na ganito?
"There lives the dearest freshness deep down things."
Ang pamimilosopiya ay walang-hanggang pagtutuklas at pagtatanong sa totoong talaga. Samahan niyo kaming umupo, mag-isip, at pagkatapos, magtanong, kasama ang premyadong makata, alagad at propesor ng Pilosopiya ng Pamantasang Ateneo de Manila na si Sir Ediboy Calasanz. Talaga.
1/28/2020 • 54 minutes, 13 seconds
Episode 56: On Track: Battling Uncertainty with JP Barroquillo
May napadaan sa The Linya-Linya Show-- ang 20-year old pamangkin kong si JP Barroquillo. Tanong niya: Tito, paano haharapin ang kawalang katiyakan? Sabi ko, alam mo, uncertain ako. Maraming hindi sigurado sa buhay, pero ang nasisiguro ko: Maraming makaka-relate sa quarter-life unexpected effisode na 'to! Fellow 22s, listen listen up, yo.
1/21/2020 • 1 hour, 9 minutes, 50 seconds
Episode 55: Lingkod KapaLinya with Dra. Gia Sison
Mga KapaLinya, sadyang may mga bagay sa buhay na anumang pilit isipin, pag-aralan, at pagnilayan, ay hindi natin lubos na maintindihan. Halimbawa: pag-ibig. Bakit, sa tuwing tayo’y umiibig, pakiramdam nati’y nabubuo ang ating mundo, samantalang kapag na...
1/15/2020 • 36 minutes, 54 seconds
Episode 54: Life Goes On w/ Dra. Gia Sison
From ghosting to guesting: the long wait is over. Nagbabalik na ang #TheLinyaLinyaShow podcast ngayong 2020, now on Season 2! Pagkatapos ng konting pahinga, binisita ni Doc Gia Sison si Ali para mangumusta at makipagkwentuhan. Life goes on, ika nga, kas...
1/2/2020 • 1 hour, 36 seconds
Episode 53: JOHNOY DANAO (Kantahan at Kwentuhang Buhay at Pag-ibig) Part 2
Awit, pag-ibig, at awit ng pag-ibig. Samahan niyo kami sa isang Dapithapon ng Samu't Saring kanta at kwento, mga Salubungan ng pag-ibig at pagkasawi, mga Troubadour Tales ni Johnoy Danao. Mapapaaga ang lamig ng Pasko, pati na ang pagsapit ng araw ng mga...
10/8/2019 • 1 hour, 10 minutes, 35 seconds
Episode 52: JOHNOY DANAO (Kantahan at Kwentuhang Buhay at Pag-ibig) Part 1
Awit, pag-ibig, at awit ng pag-ibig. Samahan niyo kami sa isang Dapithapon ng Samu't Saring kanta at kwento, mga Salubungan ng pag-ibig at pagkasawi, mga Troubadour Tales ni Johnoy Danao. Mapapaaga ang lamig ng Pasko, pati na ang pagsapit ng araw ng mga...
10/2/2019 • 1 hour, 19 minutes, 43 seconds
The Linya-Linya Show Exclusive: PAMANTAYAN - KJah x Juss Rye
The Linya-Linya Show Exclusive! Yes, dito niyo unang maririnig ang carrier single na "PAMANTAYAN" sa collaboration album nina KJah x Juss Rye! Kitakits sa Sept. 20, 2019, sa Suez & Zapote, Makati, para sa single and music video launch!
9/18/2019 • 4 minutes, 15 seconds
Episode 51: KJAH x JUSS RYE (On Rap Music, Filipino Hiphop, and Artistic Collaboration)
Laganap ang rap music sa Pilipinas. Kumusta nga ba ang naging ebolusyon ng genre na ito mula sa panahon nina Andrew E. at Francis M., hangggang sa kasalukuyan? Ano na nga ba ang estado ng hiphop sa Pilipinas ngayon? Mayroon bang pamantayan sa isang...
9/18/2019 • 2 hours, 5 minutes, 22 seconds
Episode 50: The Evolution of Friendship w/ "Professor Manny" Tanglao
We have a visitor! "Professor Manny" Tanglao of the band Cheats, and a recurring guest at The Wake Up With Jim And Saab Podcast-- kwentuhang pagkakaibigan through the years, from elementary, high school, college, and beyond! So yes, friends, listen...
9/13/2019 • 1 hour, 46 minutes, 7 seconds
Episode 49: PANITIKAN 101 w/ Edgar Calabia Samar PART 2 (Poetry, Kabataan, Lipunan, Pag-ibig, at iba pang Bukal ng Kasiyahan at Kasawian)
Ngayong nagdaang #BuwanNgWika, nakapanayam natin si Ginoong Edgar Calabia Samar, premyadong poet at fictionist, at isa sa mga pinaka-hinahangaang makata ngayon. Siya ang may akda ng mga kilalang libro tulad ng Janus Silang series, Walong Diwata ng Pagka...
9/5/2019 • 1 hour, 4 minutes, 43 seconds
Episode 48: PANITIKAN 101 w/ Edgar Calabia Samar PART 1 (Poetry, Kabataan, Lipunan, Pag-ibig, at iba pang Bukal ng Kasiyahan at Kasawian)
Ngayong #BuwanNgWika, nakapanayam natin si Ginoong Edgar Calabia Samar, premyadong poet at fictionist, at isa sa mga pinaka-hinahangaang makata ngayon. Siya ang may akda ng mga kilalang libro tulad ng Janus Silang series, Walong Diwata ng Pagkahulog, at...
8/30/2019 • 1 hour, 24 minutes, 10 seconds
Episode 47: The Ultimate KOREA Travel Guide
Annyeonghaseyo (안녕하세요)! Mahuhulaan niyo ba kung annyeong topic ng episode natin ngayon? You guessed right-- it's our Ultimate Korea Travel Guide! Kwentuhang Korean naman sina Vic at Ali-- where to go and what to eat, kasama pa ang K-Pop, K-Drama, K-BBQ,...
8/20/2019 • 1 hour, 5 minutes, 37 seconds
EPISODE 46: Millennial Mentality w/ Goin' Bulilit Boys John Manalo & Igiboy Flores Part 2
Goin' Bulilit... Goin' Bulilit... kami naman ang hihirit! Bulilit boys John Manalo and Igiboy Flores join Ali and Vic in this tribute episode for the country's longest running kiddie gag show, Goin' Bulilit. Usapang TV show experience, childhood, comedy...
8/13/2019 • 58 minutes, 46 seconds
EPISODE 45: Millennial Mentality w/ Goin' Bulilit Boys John Manalo & Igiboy Flores Part 1
Goin' Bulilit... Goin' Bulilit... kami naman ang hihirit! Bulilit boys John Manalo and Igiboy Flores join Ali and Vic in this tribute episode for the country's longest running kiddie gag show, Goin' Bulilit. Usapang TV show experience, childhood, comedy...
8/6/2019 • 1 hour, 5 minutes, 14 seconds
Episode 44: The Ultimate JAPAN Travel Guide
Ohayou gozaimasu! Konnichiwa! Konbanwa! Nakapunta ka na ba ng Japan? O plano mo pa lang bumisita sa "The Land of the Rising Sun"? Hindi na kailangang maghanap sa Google o Youtube, o magtanong sa kapitbahay: Nandito na ang The Ultimate JAPAN Travel Guide...
May BONUS episode pa! Yes-- 15-mins of Punchlines kasama ang standup comic at TV personality na si Nonong Ballinan! Sali na sa batuhan ng mga banat at linya! Like, share and comment: @thelinyalinyashow on IG, and fb.com/thelinyalinyashow of FB! Tara na,...
7/26/2019 • 19 minutes, 13 seconds
Episode 42: Pinoy Comedy and Sitcoms w/ NONONG BALLINAN
From It's Showtime, to PBB House, to Ang Probinsyano, to Comedy Manila... to the Linya-Linya Show! Today is a good day to laugh-out-loud with... wala nang tanong-tanong... NONONG BALLINAN! Kwentuhang komedya from our favorite old-school sitcoms (think H...
7/24/2019 • 1 hour, 21 minutes, 8 seconds
Episode 41: ALL-OUT 90's-00's ALTERNATIVE MUSIC DISC 2
2nd Disc is out-- pasok Incubus, Lenny Kravitz, Radiohead, Blink 182, Splender, The New Radicals, Third Eye Blind, at iba pa! All out kung all out 90's-00's Alternative Music!
7/9/2019 • 1 hour, 23 minutes, 10 seconds
Episode 40: ALL-OUT 90's-00's ALTERNATIVE MUSIC DISC 1
From The Goo Goo Dolls, Lifehouse, Matchbox Twenty, The Fray, & Alanis Morissette to The Foo Fighters, No Doubt, Oasis, Pearl Jam, & Audioslave/Chris Cornell-- Join Ali and Victor as they belt out hits after hits after hits of sing-out-loud 90's...
7/9/2019 • 1 hour, 19 minutes, 18 seconds
Episode 39: NONSTOP 90's R&B HITS DISC 2
The nonstop R&B playlist continues with Babyface, Destiny's Child, Brandy, Monica, Mariah Carey, Chris Brown, Stevie Wonder & more... e paano naman ang ilang Pinoy soulful songs from bands/artists like APO Hiking Society, Freestyle, & South ...
7/2/2019 • 1 hour, 10 minutes, 13 seconds
Episode 38: NON-STOP 90'S R&B HITS DISC 1
K-Ci & Jojo, Boyz II Men, Brian McKnight, Joe, Usher, 112, Craig David, Mario, Aaliyah, SWV, Macy Gray, and the list goes on... Ikaw, ano'ng nasa R&B compilation album mo? Here's Part 1 of this non-stop nostalgic classic kantahan to the max of a...
6/25/2019 • 57 minutes, 5 seconds
Episode 37: HAPPY FATHER'S DAY
Anak ka ng tatay mo! Lagot kang bata ka! Vic and Ali share papa-ble stories of their fathers in this ulitmate papa-podcast of #TheLinyaLinyaShow! Ituring natin itong tribute sa mga haligi ng tahanan ng ating buhay. Happy father's day to our fathers, and...
6/19/2019 • 1 hour, 16 minutes, 55 seconds
Episode 36: PROBINSYA HITS
"Ano'ng probinsya mo?" Isang tanong na maaaring magsimula ng napakahabang kwentuhan, magkakilala man, o dalawang Pilipino lang na nagkasalubong sa ibang bansa. Kanya-kanyang probinsya, kanya-kanyang natatanging kultura. Tara, sali na sa talakayang buhay...
6/4/2019 • 1 hour, 27 minutes, 9 seconds
Episode 35: AUTO MOTO? Automobile & Motorcycle Ownership
Everything's gonna be all ride on this new episode of The Linya-Linya Show-- Vic and Ali talk about their experiences in driving cars and motorcycles. Kaya whether you have one, or still planning to have one, hop in on this road trip of an episode at...
6/4/2019 • 1 hour, 16 minutes, 33 seconds
Episode 34: The Linya-Linya Show Videos?
What if magkaroon ng video version ang effisodes ng The Linya-Linya Show? Wala namang nagtatanong, pero naisip lang nina Ali at Vic. Hmmm. Sige, pag-usapan natin kung okay nga ba o hindi. Sali kayo sa sa first-ever brainstorming session within an...
5/28/2019 • 52 minutes, 24 seconds
Episode 33: PET MALU: Pet Ownership & Animal Welfare
Ito na ang pinaka-petmalung effisode the The Linya-Linya Show! From "aw-aw," to "meow-meow," to "moo moo"-- kahit ano pang pet mo, naging pet, or planong maging pet, perfect listening and learning experience 'to sa'yo! Isa lang ang pet peeve namin,...
5/21/2019 • 48 minutes, 20 seconds
Episode 32: COLLEGE LAYF
Pagkatapos magtapos sa high school, anuna? Iba't ibang kurso ang diskurso nina Vic at Ali, kasama na ang barkadahan, ligawan, lokohan at iba pang kwentong Kolehiyo sa latest episode ng #TheLinyaLinyaShow! Tweet us your thoughts @linyalinya and follow us...
5/15/2019 • 1 hour, 25 minutes, 6 seconds
Epsiode 31: The Making of The Linya-Linya Show Rap
Finally, the #WorldPremiere of the much-awaited and highly-anticipated song of the year: The Linya-Linya Show Rap Song by Comic Ali & The Victor. Listen to this bonus episode for behind-the-scene (BTS) audio and to learn more about making, the...
5/8/2019 • 43 minutes, 42 seconds
The Linya-Linya Show - Comic Ali & The Victor
The WORLD PREMIERE of The Linya-Linya Show rap song by Comic Ali & The Victor!Lyrics by: Ali Sangalang & Victor AnastacioProduced by: SYKEMusic by: Dan GilScratched by: iNBiTUiN Recorded at: Watusi Studio For business inquiries or bookings, send...
5/8/2019 • 2 minutes, 41 seconds
Episode 30: MOTHER'S DAY SPECIAL
Para sa mga nanay natin sa buhay-- may iba't iba mang kwento, pinagdaanan, at paraan ng pagkalinga. Sinuman siya sa iyo, tita mo man, o lola, o ate, basta anak ka ng nanay mo. Sana pagkakinig mo sa effisode ay bigyan mo siya ng yakap, o kahit ibalik mo ...
5/1/2019 • 1 hour, 16 minutes, 57 seconds
Episode 29: HIGH SCHOOL LAYF
Haaaaay... school. Kapag high school life ang pinag-uusapan, nako, parang ang tagal pa ng dismissal sa haba ng kwentuhan. Usapang classroom, Prom, reunion, and more sa ultimate #throwback episode ng #TheLinyaLinyaShow! Follow us and share us your though...
4/24/2019 • 1 hour, 29 minutes, 49 seconds
Episode 28: On Health, Love, & Relationship w/ Dra. Gia Sison Part 2
"Grow apart; love together." "You have to disconnect to connect." "Mahirap mag-commute, pero mas mahirap mag-commit." -- This is Part 2 of our laughspirational talk with Dra. Gia Sison-- a Medical Doctor, Mental Health Advocate, and Love Guru. Laugh and...
4/17/2019 • 1 hour, 36 minutes, 55 seconds
Episode 27: On Health, Love, & Relationship w/ Dra. Gia Sison
Dra. Gia Sison— a medical doctor, mental health advocate, and breast cancer survivor— joins Ali and Victor in Cairo, Egypt to talk about health, love, relationship, and more. Listen to this special episode of #TheLinyaLinyaShow and share us your...
4/5/2019 • 1 hour, 23 minutes, 52 seconds
Episode 26: First Unboxing in A Podcast
YES, you read it right. This is the first ever UNBOXING-- not only in the history of the Kapisanan ng mga Podcaster ng Pilipinas (KPP)-- but in the entire podcast universe. Ingenious? Perhaps. Genius? Beyond reasonable doubt. Stupid? We think not. Para walang away, you be the judge-- listen to this ~best ever~ momentous, ground-breaking, #TheLinyaLinyaShow effisode and share us your thoughts at @thelinyalinyashow on Instagram.
4/3/2019 • 22 minutes, 4 seconds
Episode 25 - SUMMERTIME IN THE PH
Summertime na naman! Ano'ng trip mo pag tag-init-- dumawdaw sa beach, umakyat ng bundok, o mag-staycation lang? Anuman ang gustuhing getaway this season, one thing's for sure: Ang daming pwedeng gawin sa Pilipinas! Kaya ngayong summer, make sure na bitbit mo ang #TheLinyaLinyaShow podcast wherever you go! Follow us on Instagram @thelinyalinyashow, share us your summer getaway experience, and get a chance to win freebies from our sponzors!
3/28/2019 • 1 hour, 23 minutes, 38 seconds
Episode 24: VERY SUPERSTITIONS: Mga Pamahiing Pinoy
Bawal maligo tuwing Biyernes. Wag magreregalo ng aso sa girlfriend o boyfriend at mag-aaway kayo. Tumalon-talon kapag New Year para tumangkad. Kapag sabay na umaaraw at umuulan, nako, may kinakasal na tikbalang! Ikaw, naniniwala ka ba sa mga pamahiin? Nako, magsimula ka nang maniwala, kasi ayon kay Dr. Sus, mamalasin nang isang oras ang hindi makikinig sa episode na 'to! Follow on Instagram @thelinyalinyashow and share your thoughts by tagging us!
3/26/2019 • 1 hour, 25 minutes, 6 seconds
Episode 23: Walang Ako Kung Walang Ikaw
Walang ako, kung walang ikaw. Katulad ng walang umaga, kung walang araw. Walang pinakbet kung walang sitaw. Walang pagtatanghal kung walang "bow." At maraming pang iba. Munting akda ni Ali Sangalang, para sa mga mga patuloy na umiibig, kahit parang minsan, walang wala na. Tweet us your muni-muni @linyalinya using the hashtag #TheLinyaLinyaShow
3/17/2019 • 32 minutes, 14 seconds
Episode 22: Sa Mga Na-Ewan at Naiwan
Ano'ng mas mahirap, maiwan, o ma-"ewan"? The thing is: Parehong mahirap. Hay, ewan. Iwan na lang natin dito itong munting akda ni Victor Anastacio. Hindi natin sinasabing tungkol 'to sa personal nyang karanasan, pero parang ganun na nga. Tweet us your thoughts @linyalinya using the hashtag #TheLinyaLinyaShow
3/13/2019 • 35 minutes, 54 seconds
Episode 21: TAPUSIN! TAPUSIN! TAPUSIN!: Childhood TV Shows
Anime, cartoons, at variety show...hala, lagot kang bata ka! Wag kang masyadong malapit sa TV, sabi ni mommy, at masisira ang mata mo! Pagpasok sa loob ng bahay, diretso sa paboritong palabas: Ghost Fighter o Dragon Ball? Princess Sarah o Cedi? Teenage Mutant Ninja Turtles o Captain Planet? Batibot o ATBP? I-adjust na ang antennae at humanda sa ultimate throwback of an episode ng #TheLinyaLinyaShow tungkol sa mga mahal nating childhood TV shows. Sit back, relax, at tutok na, mga kids at kids-at-heart!
3/2/2019 • 1 hour, 20 minutes, 49 seconds
Episode 20: Kanya-kanyang Sound Trip Lang Yan - Pinoy Music Part 2
Tuloy lang ang kantahan, kulitan, at kwentuhan! Hindi na kailangan ng pencil at cassette para mag-rewind at mag-#Throwback sa mga paboritong classic Pinoy music-- just press play, sabayan ang golden voices nina Ali at Vic ala-karaoke, and do it your way. Don't forget to follow us @linyalinya and tweet us your thoughts using the hashtag #TheLinyaLinyaShow to win prizes and freebies! Hala, kanta!
2/20/2019 • 1 hour, 3 minutes, 45 seconds
Episode 19: Kanya-kanyang Sound Trip Lang Yan - Pinoy Music Part 1
Ano'ng favorite Pinoy song mo? Mula plaka hanggang Spotify, Jingle Magazine hanggang Myx, from oldie to lodi-- take a sound trip to memory lane as Victor and Ali talk about Filipino popular music on this fun and lyrical episode! Alone man or with friendly friends, get ready to sing-along dito lang sa #TheLinyaLinyaShow!
2/14/2019 • 1 hour, 2 minutes, 29 seconds
Episode 18: VALENTIMES SEASON
Lumalamig na ang panahon, at buwan na naman ng puso. Pag-ibig, o pag-igib? Excited, o exhausted? Flowers, o followers? Luh, ano'ng petsa na, wala ka pa ring date! Valiant times man, o violent times, gagawin natin yang good times. Kinig-kinig na at kilig-kilig kena Ali at Vic sa special episode na ito ng pag-ibig! Sweet us, este, tweet us your thoughts at #TheLinyaLinyaShow <3
2/4/2019 • 1 hour, 9 minutes, 59 seconds
Episode 17: NEW YEAR SPECIAL
New year, new me? Hmmm. Same old, same old lang tayo sa The Linya-Linya Show: Kwentuhang bagong taon (o bagong tao?) na may 5-star kulitan, quotes na mala-kwitis, at may halo ring fountain of knowledge. Start the year with a bang, at wag nang mag-abang. Listen to this pasabog episode now! Sali na sa talakayan and tweet us @linyalinya with the hashtag #TheLinyaLinyaShow
1/29/2019 • 1 hour, 22 minutes, 44 seconds
Episode 16: Let the Joy Spring: JOYCE PRING Part 2
REJOYCE! REJOYCE! Here’s part 2 of our hilarious harutan and fun talakayan with no other than JOYCE PRING! Join our roundtable discussion and butt in on our conversation about social media, podcasts, relationships, other intergalactic topics and everything in bituin. We’re also giving away exclusive freebies! Tweet us your thoughts and hirits @linyalinya with hashtag #TheLinyaLinyaShow
1/21/2019 • 37 minutes, 25 seconds
Episode 15: LET THE JOY SPRING: JOYCE PRING PART I
JOYCE TO THE WORLD! Yas, TV host, digital creative, and overall grit girl Joyce Pring joins Victor and Ali on this special #Pasabog2019 episode of The Linya-Linya Show! Kwentuhan at hiritang social media, adulting, adult things, among other things. Listen to this #AdultingWithJoycePring x #TheLinyaLinyaShow collab episode and let the joy spring! Tag and tweet us your thoughts using our hashtags-- we have lots of giveaways from our sponsors!
1/16/2019 • 47 minutes, 39 seconds
EPISODE 14: IKAW ANG WIKA: Mga kuro-kuro ukol sa Wikang Filipino
Pagkatapos basahin ni Victor ang isa sa mga naisulat niyang tula, napadpad ang usapan nina Vic and Ali sa Wikang Filipino. Totoo: Lahat tayo, Filipino, pero bakit nga ba may ilan pa rin sa atin ang tila ikinahihiya ang pagsasalita ng sarili nating wika? Usapang tula, Balagtasan, Fliptop, at iba pa. Oo, seryoso rin kami minsan. At meron kaming isang salita. TARA! Makinig at makisali na sa usapan-- i-tweet kami sa @linyalinya gamit ang hashtag #TheLinyaLinyaShow
1/4/2019 • 47 minutes, 21 seconds
Episode 13: PWEDENG MAKISAWSAW: Local Street Food Trip
Are you in to street food? Yeah? Let's make tusok-tusok the fishball, then! From eskinita eats in Quezon City, to Korean delicacies in Myeongdong, all the way to street bites in Berlin-- titikman, tatalakayin, at sisimutin nina Victor and Ali ang samu't saring street food sa loob at labas ng Pilipinas. Take a bite. It's all right. Pwedeng makisawsaw, basta wag lang double dip (e paano kung double deep?) A, basta. Tara na at maglaway sa bagong episode na 'to! Tweet us your comments and food reviews @linyalinya using the hashtag #TheLinyaLinyaShow
12/27/2018 • 1 hour, 23 minutes, 10 seconds
Episode 12: HARI NG SABAY: Hitchin a Ride
Ako ang hari ng sabay... ako ang hari ng sabay... hinding-hindi makasabay... sabay sa kotse ng kapitbahay... Sabay ganun e, 'no? Mahilig ka bang makisabay sa kotse ng kaibigan? O ikaw ang madalas magsabay ng iba sa sasakyan mo? Sama na sa biyahe nina Victor at Ali sa episode na 'to, at siguradong masasakyan niyo ang trip nila! Beep beep at tweet tweet din sa @linyalinya with the hashtag #TheLinyaLinyaShow
12/21/2018 • 50 minutes, 50 seconds
Episode 11: BIG TIME
Ali shares a big time short story of an encounter with a well-known professional basketball player. Ano kayang laban niya sa "big man" at "The Rock" na 'to? Time out muna sa stress, traffic, at hassle, join our podcast and share us your thoughts and comments on Twitter @linyalinya with the hashtag #TheLinyaLinyaShow
12/17/2018 • 27 minutes, 42 seconds
Episode 10: WALANG TULUGAN: Coffee Culture in the Philippines
Capuccino? Americano? Macchiato? Kapeng Barako? 3-in-1? Anuman ang timpla, talagang nakahalo na ang kape sa kulturang Pilipino. Sa episode na 'to, gigisingin nina Victor at Ali ang mga natutulog ninyong diwa't kamalayan sa pamamagitan ng historical facts based on haka-haka, groundbreaking medical breakthroughs by Dr. Sus, and empirical data based on our everyday happy-go-lucky lives. Kaya wag nang tutulog-tulog-- bangon na, makinig, and tweet your hirits at #TheLinyaLinyaShow!
12/10/2018 • 1 hour, 34 seconds
Episode 9: The Boy Who Cried “Susunod Ako”
From “tatanchahin ko,” “sino-sino ang kasama?” to “susunod ako”— we all have our own excuses pagdating sa hindi pagsipot sa mga yayang gimmick ng kaibigan o barkada. Ang nakakatawa: Kapag planado ang lakad, madalas, di natutuloy. Kapag biglaan naman, saka pa nagkakatotoo! Hayayay. Well, sabi nga nila ‘kanya-kanyang trip lang ‘yan, ‘di ba? Kaya wag niyo nang tanchahin: Join Victor and Ali on this episode and tweet us your thoughts at #TheLinyaLinyaShow
12/3/2018 • 58 minutes, 45 seconds
Episode 7: BEERIOTYPES: Alcohol Stereotypes
Nahusgahan ka na ba dahil sa beer o alak na iniinom mo? "Ay, San Mig Light lang?" "Uy grabe, Red Horse!" "Naks, sosyal, wine!" Grabe naman. Di ba pwedeng trip mo lang yung lasa, o alam mo lang yung tolerance mo? A basta, walang basagan ng trip sa kwentuhan nina Victor & Ali! You can drink while listening to this podcast, or drive while enjoying the episode. Wag niyo lang ipagsabay. Don't drink and drive! Tweet us your thoughts, feelings, & amats at #TheLinyaLinyaShow
11/26/2018 • 37 minutes, 48 seconds
Episode 8: BALASANG KA MAN NAROROON: Nakipagkita. Humanga. Napa-tula.
Dalagang Ilokano. Parang parang paruparo. Naging modelo. Yan ang nakasama isang gabi, ni Victor Anastacio. Alamin ang kwento. Was it a good or bad time? Pakinggan, it rhymes! Tweet us your kilig reax and comments at #TheLinyaLinyaShow * "Balasang" means "young lady" or "dalaga" in Ilokano
11/26/2018 • 17 minutes, 27 seconds
Episode 6: CONDO LIFE CRISIS
Nakatira ka ba sa condo? May plan ka bang tumira sa condo? O at least man lang, nakakita ka na siguro ng condo? Sakto. Kwentuhang condo ang duo nina Ali at Victor for the 6th episode of The Linya-Linya Show. Yes, marami silang tips on how to handle a “condo life crisis.” Tweet your comments, hirits, & linyas now at #TheLinyaLinyaShow 🎶 Tell me when will you be mine, tell me condo, condo, condo... 🎵
11/12/2018 • 46 minutes, 12 seconds
Episode 5: The Shoe Must Go On
“Put yourself in someone else’s shoes,” sabi nila. Pero ano’ng magagawa nun? Mararamdaman ko ba ang pinagdadaanan nila? O pag sila naman ang nagsuot ng sapatos ko, malalaman ba nila ang landas na nais kong tahakin? Ewan. Basta may nanghiram ng sapatos ko. Malalaman niyo rin kung sino. Ganito yung nangyari nun. The shoe must go on. Tweet us at #TheLinyaLinyaShow
11/5/2018 • 8 minutes, 7 seconds
Episode 4: Warning: No Stresspassing
In the age of disruption and social media, how does one maintain productivity and creativity? Ali and Victor talk about their own “Linyas,” or lines of work— writing and entrepreneurship— and their “pit stops” to finish tasks and get their jobs done. Parang Ted Talk na hinaluan ng MMK. Seryoso!
10/29/2018 • 39 minutes, 30 seconds
Episode 2 (w/ Comedian Victor Anastacio): The Linya-Linya Show?
Writer and Linya-Linya co-founder Ali Sangalang pairs up with standup comic and host Victor Anastacio in an attempt to put up The Linya-Linya Show. Ano kayang kalalabasan ng podcast na 'to? Join the kalokohan and let us know what you think by tweeting us #TheLinyaLinyaShow @linyalinya
10/22/2018 • 45 minutes, 9 seconds
Episode 1: Sugarcoats and Heartbeats: A Sweet Encounter with Armi Millare of Up Dharma Down
"Para bang naglalandian ang buong mundo at ako lang ang walang kasalo." Wow. Year 2009, Up Dharma Down gig at Route 196 in Katipunan. Itinadhana ang isang di-pangkaraniwang gabi. Ano'ng nangyari? Kilig na. I mean, kinig na. Tara. Free entrance. Tweet us #TheLinyaLinyaShow @linyalinya
10/22/2018 • 15 minutes
Episode 3: Tamis-Anghang
Make tusok-tusok your puso with this bite-sized poem. Makisawsaw and make sawsaw with feelings. Just one thing: No double-dipping. Tweet us your feelings #TheLinyaLinyaShow @linyalinya